Coronavirus disease o mas kilala nating COVID-19. Sakit na hindi natin inaasahan ang laki ng epekto sa bawat isa satin dito sa mundo.
Tayong mga tao'y napilitang mag suot ng mask pati narin faceshield na sabi ng iba wala naman daw kwenta. Kailangan din ng social distancing at pananatili sa bahay para tayo ay hindi mahawaan ng COVID-19.
Napuno tayo ng pangamba, dahil nga hindi siya sakit na pwede nating itulog lang mawawala na o kaya naman iinom lang ng bioflu o neozep wala na. Ang sakit na ito ay nanguha ng milyon milyong buhay sa buong mundo at marami ang nawalan ng mahal sa buhay.
Dahil rin sa COVID-19 maraming naghirap, nagutom, naubusan ng pera dahil sa pagtigil ng pagtratrabaho at pagkalugi ng mga negosyo. Hanggang sa nawalan ang mga tao ng pagkukuhanan ng pera para sa pamilya.
Nahihirapan din ang mga estudyante dahil sa sitwasyon na modular at online classes. At napakarami rin nitong disadbentahe dahil sa mga kailangang kagamitan para sa pagaaral ngayon. Kailangan ng Internet, cellphone, tablet o laptop. At alam natin na hindi lahat ay kayang magkaroon ng mga kagamitang ito.
Ngunit ngayon nakikita natin na tayo'y bumabangon na mula sa pagkalugmok na dulot ng COVID-19. Dahil meron ng mga bakuna, meron naring mga pilot classes, at pwede naring mamasyal. Wag din nating kalimutang magpasalamat sa bawat frontliners na andyan para saatin.
Tatandaan patuloy parin tayong sumunod sa mga health protocols, Magsuot ng mask at ugaliing mag hugas ng kamay.














