Basketball
Paano nga ba maglaro ng basketball? Mahirap ba? Madali ba? Ikaw tanungin kita? Mahirap nga ba? Mahirap ba yung magdribble ng bola? Pati mangagaw nito sa iba? Mahirap bang ishoot ang bola? Yung mga lay-up, cross over pati dunk sobrang mahirap ba?
Ikaw? Nahirapan ka din ba? Â Sa pagshoot nito kahit alam mong di ka sigurado kung papasok ito? Sa pag-agaw ng bola sa iba? Sa pagdribble nito? Ano nahirapan ka ba?
Yung pagnagdribble ka kelangan mong gamitin ang isang kamay mo para maprotektahan ang bolang idinidribble mo. Yung kapag naagaw ito ng iba halos mawalan ka na hininga sa pagtakbo mabawi lang ito. Yung pagbato mo sa hangin kasi gusto mo makapuntos kagad pero hindi nagshoot, sayang diba, pero sinubukan mo pa din. Yung halos mabalian ka na ng buto sa mga lay-ups, cross overs pati dunks mo para lang mapakita na magaling ka sa harap ng ibang tao, ininda mo. Kahit ang hirap kinaya mo diba?
Ngayon alam mo na, alam mo na lahat lahat ng dinanas ko para lang hindi ka maagaw ng iba. Para kang bola. Yung mga panahon na hawak kita, at gustong gusto ka nun kunin ng iba lahat ko ginawa, halos magkanda galos galos na yung kamay na ipinang haharang ko para lang maprotektahan ka, pero wala eh, nabitawan pa din kita. Kasalanan ko ba talga? o masyado kang malaki sa kamay kong maliit. Sorry ha, nabitawan kita kahit di ko sadya.
At noong naagaw ka nga, halos hindi na ko tumigil tumakbo at magmakaawa para lang makuha ka, pero wala eh ayaw mo na. Lahat na nga ginawa ko, nag-aral ako, naging achiever pa nga ako eh, sumali rin ako sa team ng basketball para palagi kang nakikita, at para maipakita sa’yo na karapat dapat akong balikan mo. Kasi yun yung ginawa mo diba? Ganon mo pinatibok yung puso ko, sa mga lay-ups, cross over at dunk mo. Pero wala pa rin. Hindi umubra lahat ng ginawa ko. Para lang akong nagsho-shoot ng bola kahit walang kasiguraduhan na papasok ito. Sayang ng oras ko sa’yo pero okay lang atleast sinubukan ko at nalaman ko na hindi ko na dapat sinayang pa yung oras ko sa’yo.
Mahirap pala talaga makipaglaro sa’yo. Ako yung binola mo, ako yung pinatalbog talbog mo lang tapos hindi mo naman pala kayang protektahan, at ako din yung tinapon mo sa ere ng walang kasiguraduhan kung maishoshoot mo at muling tatalbog pabalik sa’yo.
-AnnieG












