Kinaibigan, iniwan, nasaktan. (Feb 18,2017 ; 12am)
Naranasan mo na bang maiwan sa ere? Kinaibigan ka, pinasaya ka, pinakilig ka, pinangiti ka pero iiwan ka rin pala sa dulo. Matapos ang ilang buwan na paguusap gabi-gabi, mga linggo na bawat araw lahat ng ginagawa nya sinasabi nya at mga araw na pagkukwentuhan tungkol sa mga bagay na gusto nya, lahat ng yon, sa isang iglap nawala, nagbago. Naging cold sya, hindi sya nakikipagusap saken sa chat, kahit man lang sa personal. Kapag nagkakasalubong kami sa hallway, para kaming ibang tao sa isa’t isa. Parang hindi namin kilala ang isa’t isa. Tinanong ko sya kung bakit nagbago sya pero sabi nya wala namang nabago sa kanya. Baka nga walang nagbago sa kanya, pero sa kung paano nya ko pakitunguhan baka yun ang nagbago. Mahirap umasa sa isang tao lalo na kung alam mo sa sarili mo na may mali. Mali ako kasi umasa ako sa isang bagay na alam kong napakaimposible mangyari. Oo, tanggap ko na. Hindi sya para sa'ken, hindi nya mapapansin ang tulad ko dahil ang mga mata nya nasa nakaraan pa rin. Pero ang hindi ko kayang tanggapin, ay yung nawala na parang bula yung pagkakaibigan namin. Sa ginagawa nya ngayon, pakiramdam ko iniwan ako ng isang mabuting kaibigan sa ere. Ngayon habang nasa himpapawid, hirap ako kung anong dapat kong gawin. Sabay kasi kaming lumipad eh, kaso iniwan nya ko magisa. Itutuloy ko na lang ang paglipad ng magisa dahil alam ko sa tamang panahon may isang tao sa mundo ang muling sasabay sakin sa ere. YUNG HINDI MANGIIWAN.