Ang Kilig na binalot ng Pagibig
simulan natin ito sa kung paano kita nakilala
pebrero nung kitang nakilala ang saya at nakakatuwa
halos bumagsak ako sa sahig oo nakatatawa muhka akong baliw
gusto ko ng konting aliw pero anong patama ng kilig sa dama ng tunay na pag ibig
kilig at pagibig magkaiba pero pareho na gusto kong lumabas sa iyong mga bibig
gusto kong kiligin gusto kitang pakiligin gusto ng kahit konting pagibig gusto ko ako ay iyong ibigin
Kilig,
kilig
Yung tipong tinatablan ako ng mga simple mong kilos at galaw,
Parang yung puso ko napapasayaw,
Lumalakas ang pintig yung tipong napapahiyaw
Parang yung pulso ko ang binibigkas ay "ikaw"
Yung tipong yung nasa isip ko ay ikaw sa araw man o gabi,
Yung pinapangarap kong ikaw ang palaging makatabi,
Nagugustuhan ko yung hubog ng katawan, mata, hitsura, labi
Na kapag ikaw na ang usapan ang hirap nang makatanggi
pagibig
Isang mas malalim na depinisyon ng relasyon,
Tunay, kase alam nating hindi lang ito hanggang dito alam nating meron
Hindi lamang sa pansarili ang tuon
Kundi sa nararamdaman nating parehas, at higit pa doon
Walang pagpapantasya, kase totoo
Walang baka, dahil ang nararamdama'y sigurado
Walang paghuhumaling, kase alam mong nandito
Walang saket, kase masaya tayo sa kung anong meron tayo.
Kaya mahal patikim ng kilig lagyan mo na ng konting dama ng pagibig at pangako ang pagibig na itinadhana abot ng mga bathala sungkit ang mga tala
psyche ng buhay ko pangako ang bawat araw at gabi puno ng saya at tawa
dahil ako ang magsisilbing liwanag sa bawat gabi ng mga luha
ako nga pala si Cupid ng buhay mo nagmamahal ng sobra.







