Gusto ko lang magpasalamat sa mga nakilala ko sa mundo ng internet.
Ikaw, kung nababasa mo 'to at alam mong kahit kaonti ay nagkausap tayo, isa ka sa mga pinapasalamatan ko. Kahit like lang ang ginawa mo o ano man, kasama ka. Hindi ka nagfee-feeling o ano. Oonga at kasama ka.
Marami din akong nakasalamuha sa internet. Tayo yung unang batch na weird pa noon kung iisipin. Hindi nagkakakitaan sa personal pero nagkwekwentuhan sa mga bagay na pareho tayo ng trip. Ngayon? Ewan ko kung anong "trending" pero normal na ang mga bagay na hindi normal noon. Kung baga ay tayo ang "OG" aka ogag.
Yep! May mga panahon na napapangiti ako kapag bigla kayong sumasagi sa isipan ko. May mga kanya kanya na tayong mga landas na tinahak. Ang lalim at ang corny ng pagkakatype ko doon.
Hindi lang naman saglit ang mga pinagsamahan natin. Nagkatagpo tayo sa mundong pare pareho ang trip natin. Sa mundong tayo lang ang nagkakaintindihan. Sa dami ng mundo sa planeta na kinabibilangan natin, nakakita tayo ng trip kung saan tayo magkakasundo-sundo.
Salamat.














