Narrative of the Married Couple Interview
Link to video of the interview: https://drive.google.com/file/d/0B0NgyvQN9HV3ai1BdmJ6STRHUzA/view
This interview of married couple, Mr. and Mrs. Tecson, Sr., was conducted on July 15, 2017 at Pasig City. It was facilitated by Amiel Dris, Quinttyz Lisay and Josef Ruado. Video taken and edited by Amiel Dris.
MRS. TECSON, SR: I am Lilia Tecson and my husband, Manuel Tecson, Sr. and we are married for 37 or 38 years.
J. RUADO: Please explain the details of how you met each other. MR. TECSON, SR.: Classmates kami nung fourth year high school. Noon hindi kami nagpapansinan kasi tahimik siya tapos magulo ako. Iba yung group niya. After ilang years ba? Two years? MRS. TECSON, SR.: Four. MR. TECSON, SR.: After four years, nagreunion kami. Ayun. Kami yung nag-aasikaso ng reunion. Hindi na siya humiwalay sa akin. MRS. TECSON, SR.: Ay hindi.
J. RUADO: What influenced your decision to get married? MRS. TECSON, SR.: Siyempre, we are being getting together. Eh siyempre, noong araw, talagang kailangan merong kasal. Siyempre ako, gusto ko nun. Pero ano lang, we’re not…meron kaming church, meron kaming civil. Yung church wedding parang yung validation ng civil wedding. Pero kailangan mag-church wedding. MR. TECSON, SR.: Ano yun ‘eh, one time, magkasama kami doon sa house ng classmate ko, inabot kami ng bagyo, baha yung C. Raymundo, walang madaan. Siyempre yung mother niya, medyo old school, ayun, isa sa mga nag-influence sa amin na sige na nga. At tsaka, gusto na rin namin. Q. LISAY: Mga anong age kayo noon? MRS. TECSON, SR.: 21 Q. LISAY: Ay pareho nga pala kayo (ng age). MRS. TECSON, SR.: Bata pa rin. MR. TECSON, SR.: One month lang yung difference naming.
J. RUADO: What are the blessings of married life? MRS. TECSON, SR.: Blessings? Madami. Children. Four children. All graduates. Apos. We have four apos. At tsaka medyo grown up na sila. Senior pa lang naman kami, grown ups na mga apo naming.
J. RUADO: What are the challenges of married life? MRS. TECSON, SR.: Madaming challenges. Pero, ano yun, specific? Q. LISAY, A. DRIS: Examples. MRS. TECSON, SR.: Ikaw na. Example pala. MR. TECSON, SR.: Ako kasi sa media ako nagtatrabaho, mostly, out of town/out of the country ang trabaho ko. Gusto ko isama siya out of town/out of the country. Gusto ko kasama siya. Ayaw niya dahil busy siya sa trabaho niya. So ayun, doon nagkakaroon ng conflict. Q. LISAY: Example pa. MR. TECSON, SR.: Ay minsan pinagbigyan niya ako nung sa HongKong. Ah, sa Zamboanga rin pala. MRS. TECSON, SR.: Pero most of the time, hindi na siyempre. May work ako. MR. TECSON, SR.: Wala maiwan sa mga bata. Q. LISAY: Challenges, problems? May mga away-away? MRS. TECSON, SR.: Eh yung mga away-away, siyempre, natural. It’s natural, diba…na mag-away kayo? Pero after that, eh ako naman, ‘pag kinausap mo na ako, okay na ako. Q. LISAY: May mga silent treatment. MRS. TECSON, SR.: Oo. Pero matagal rin. Matagal rin bago magkabati. Yung sinasabi nila na kailangan pagtulog sa gabi, magkabati na kayo. Hindi yun nangyayari sa amin minsan. Pero after that, wala na. Okay na kami. Q. LISAY: Noong nag-pre-cana kami tapos sabi nila huwag daw matutulog nang magka-away. MRS. TECSON, SR.: Ah, oo. Yun nga yung sinasabi ko. Q. LISAY: Hindi ata realistic yun. MR. TECSON, SR.: Oo, easier said than done.
J. RUADO: What can you advise to the young people who are in a relationship and plans to get married? MR. TECSON, SR.: Simple lang naman yan eh…bigayan. Ako, doon sa mga bagong kasal, isa lang ang advice na binibigay ko parati sa kanila, lalo na kapag ninong ako. Parati kong sinasabi, “The wife is always right.” MRS. TECSON, SR.: Oo tama yun. That’s correct. Kailangan yun. Q. LISAY: Tapos yung sa mga, like, magpapakasal. A. DRIS: Yung mga preparations. MR. TECSON, SR.: Di kami nagdaan doon kasi simple lang kami eh. MRS. TECSON, SR.: Meron din diba… Q. LISAY: I mean, paano mo malalaman kung sure na, go, pakasal na? MR. TECSON, SR.: Lukso ng dugo. Q. LISAY: Wow. Na-feel lang. Mr. Tecson, Sr.: Hindi kasi…nasa edad na kayo, tapos, gusto niyo ang isa’t isa, may work na kayo. Ano pang hinihintay niyo? At tsaka, tinarget naming. Gusto namin bago mag-18 ang panganay naming anak, bata pa kami para ma-enjoy namin yung apo namin. Nangyari naman. Talagang intentional yun na maaga kaming nag-asawa. Nakita mo yung panganay naming apo, K-11 na. 60 pa lang kami. So aabutin pa naming mag-asawa yun.













