Masaba bang isipin minsan na sana di nalang muna ko magdecide na magkababy. Kase mula noong magkababy ako feeling ko nakulong nalang ako sa isang kahon. Minsan di na ko makahinga. Hindi naman ako claustrophobic pero pakiramdam ko ang sikip sikip at ang liit liit na ng mundo ko. Sobrang makasarili ko ano? Maraming beses na gustong gusto ko nang kumawala. Palabasin niyo na ko.
Pero at the end of the day, pag binigyan ako ni God ng “out” alam ko naman na si Kara pa din at si Cholo ang pipiliin ko. Dahil siguro, part of me tanggap ko na at masaya naman ako sa buhay ko tapos ako lang yung hanap ng hanap ng kulang. Or part of me, indenial lang. May kulang talaga. Kaya lang parang naubos na yung lakas ko kumawala kaya pinabayaan ko nalang.
Send help.
Nakakalunod.












