“Bakit ayaw mo mag-boyfriend?”
These are the questions I oftenly heard from other people and I always having a hard time answering it. Bakit nga ba?
I don’t know why but I always ended up with an answer na “bata pa po kasi ako”. Pero di nila maintindihan yun kasi when they asked me about my age, they will say na “ Hindi ah, matanda ka na, pwede na yan.” Yung ipaparamdam nila sayong di reasonable at di valid yung sagot mo. Yung akala nila nagbibiro ka lang at di ka seryoso sa sagot mo.
When I say “bata pa ako”, that doesn’t necessarily pertaining to my age. What I really mean is I’m not emotionally, mentally and spiritually matured enough to enter any kind of commitment. I know in myself that I’m not ready yet. For me, being in a romantic relationship is a big responsibility. Hindi yun parang trip-trip lang or for experience lang. Yung magjo-jowa ka kasi malungkot, bored, at curious ka.
Para sakin, hindi yun parang yung sinasabi nilang kapag tumibok ang puso, wala ka ng magagawa, so kahit paano na lang. Go lang ng go! For me, it is not just about that.
I treasure relationship a lot. Ayoko ng trial and error. Yung tipong bago makarating sa taong papakasalan mo yung puso mo, eh sobrang dami ng damage, basag-basag na, gamit na gamit na kasi ang dami mong pinapasok.
Ang love, di lang yan nakabase sa emosyon (emosyong nagbabago). Ang love, desisyon yan na pinaninindigan. Kasi di naman yan laging masaya lang, maraming panahong iiyak at maghihirap ka. May mga panahong maiinis at mauubos pasensya mo sa partner mo at yung moment na feeling mo di na katulad nung una yung nararamdaman mo para sa kanya. Feeling mo paubos or wala ng spark. Kaya kung nakabase ka lang sa feelings mo, dadating yung time na tatalunin kayo niyan at kung wala ka naman talagang paninindigan sa desisyong mamahalin mo sya sa hirap at ginhawa, wag mo na lang simulan. Kung di mo naman makita yung sarili mong kasama sya hanggang sa pagtanda, wag mo na lang pangakuan.
I’m still in a process of growing up. Still in a process of learning and mending. I wanna grow individually. I wanna be used by God at this moment because only Him could satisfy the longings of this broken heart of mine. I want to be filled with God’s love first so that I will be able to show the right love to others especially to my future man.
God isn’t finish with me yet. I know this isn’t the right time na pagtagpuin kami kasi baka magkanda-leche leche lang at magkasakitan kapag lumayo ako sa plano ng Lord para sakin. I believe in God’s perfect timing.
Tsaka iniisip ko rin "sya" (my future man). Di pa ako ready humarap sa kanya kung sakali man with this kind of state. Kasi baka maging burden lang ako sa kanya. Baka masyado akong maging dependent sa kanya kasi sa ngayon, feeling ko, ang childish ko pa. Baka masakal ko sya. Baka makulitan sya sakin. Baka di sya maging masaya sakin. Wala pa akong masyadong maipagmamalaki sa kanya. Baka di nya pa deserve yung kagaya ko. Gusto ko maging proud sya sakin kaya gusto kong ayusin muna sarili ko (panloob at panlabas).
Madalas kasi, hinahanap natin yung taong "the right one" for us pero hindi natin magawang i-check ang sarili natin kung "right one" na rin ba tayo. Don't focus on finding the one, instead focus on preparing yourself to be the one.
Sinusubukan kong maging patient while waiting for him kasi alam ko namang worth it eh. Ayokong mag-settle for less. Mas nagiging valuable at mas maa-appreciate mo lang kasi ang isang bagay kapag mas matagal mong hinintay. Anything worth having is worth waiting. Ika nga nila.
Ganun na lang kalaki yung tiwala ko na pinaka maganda ang plano ng Lord so waiting isn’t a big deal for me. It’s worth it. ❤