“Love” A word that has multiple definitions. Sabi nila “Love is blind” daw, sabi naman ng iba “Love is like a rosary that is full of mystery.” Sabi naman sa Merriam-Webster Dictionary, “Love is defined as a feeling of strong or constant affection to a person.” Para sa akin my definition of love is: It can either make or break you. Sa sobrang daming kahulugan ng salitang LOVE naguguluhan na tayo kung ano nga ba ang totoo. Pero gaya nga ng tanong ng nakararami, ano nga ba ang tunay na kahulugan ng Love o Pagmamahal? Paano mo masasabi na love mo siya? Paano naman yung mga na-fall out of love? At kung paano mo malalaman na mahal mo na pala siya?
Umpisahan natin ang kasagutan sa tanong na “Paano mo malalaman kung love mo na pala siya/love ka na niya?” Ayun, akala ko nga nung bata ako eh kapag niligawan ka ng isang lalaki ay ibig sabihin mahal ka na nya. Possible palang attracted lang siya sa'yo o di kaya gusto ka lang nya pero HINDI KA NIYA MAHAL. Most of the young peeps in today’s generation *akala mo hindi siya kasama dun* inaakala na kapag ayun nga niligawan ay gusto siya at bibigay agad. Not really knowing na isa pala itong bitag na magiging sanhi ng pagkawasak ng iyong puso *Ang lalim*. Malalaman mo talaga kung genuine yung love na pinapakita niya sa'yo if he’s willing to wait for you even if it takes a hundred of years o di kaya naman he’s willing to sacrifice those things na alam nyang importante sa kanya (except family and God) just like what the Lord has done. He even gave His one and only Son, JESUS CHRIST to die from all our sins. SACRIFICIAL LOVE. One more thing, malalaman mong genuine ung pagmamahal mo sa isang tao kapag hindi mo hinihiling na mahalin ka din niya pabalik katulad ng pagmamahal mo sa kanya. Sapat na yung pinaparamdam mo sa kanya kung gaano siya kamahal at kaimportante.
Pangalawang tanong ay paano nga ba nafafall-out of love ang isang tao? Eh kung may fall in love, meron din palang fall out of love. Yung tipong bigla nalang mawawala yung "sparks" na tinatawag nila. Paano kaya yun noh? Bakit nawawala yung love? Ang pagmamahal pala parang apoy na kung lumiliyab, naglalagablab talaga. Pero kapag naman nawala na yung apoy. Nawawala yung init, nagiging malamig na. In order to maintain the love that you have for each other para sakin eh kahit na sobrang inis na inis ka na sa boyfriend, asawa, kaibigan o nanay mo. Kelangan mong hanapin yung goodness na meron sila para mapanatili yung love. In that way, mas magiging matimbang parin yung pagmamahal mo sa kanya. Kaya maraming naghihiwalay na magkasintahan dahil minsan napapagod na silang hanapin yung goodness ng isa't isa. Lagi nalang nilang nakikita yung mga mali sa bawat isa kaya pati yung love naoover power na ng hate. Huling katanungan na aking sasagutin “Paano mo malalaman na mahal mo na pala siya?” Sabi ng nakararami kapag naramdaman mo na daw yung di maipaliwanag na “dug-dug” sa heart mo. Pero para sakin masasabi mo ng mahal mo na talaga siya kapag handa ka ng masaktan at tanggap mo ang buong pagkatao niya (kahit ano at sino pa siya) at lastly his/her happiness is also yours (kahit na hindi pa ikaw ang dahilan ng ito).










