So today I had a dream. Ang cool lang kasi ang scene is with my highschool peers then mga ka-batch ni Ku. Para kaming nasa big auditorium or big event place then pagdating ko, I sat beside Sai, then everyone was staring. Siguro kasi new guy si Sai sa kanila. Then mga katabi ko is mga ka batch ni Ku. Si Ku medyo nasa harapan. Tapos kinakausap nila ako, curious sila kung sino kasama ko. Sabi ko boyfriend ko. Then sila parang 50/50 kung totoo.
Then ang weird kasi si Alf, kasama ang girlfriend niya tapos ang wild nila. Yung girlfriend super liberated na she shows everyone her body, as in super proud siya sa boobies niya. Ganung level. Sobrang lasing na nila. Yung mga katabi ko nagpupustahan na kung mahahatid niya ang girlfriend niya pauwi then most of them said malabo na. Then naglalakad sila palabas ng auditorium then medyo baha or padagat na? Haha. Logtu na sila sa water naka float na sila then tumakbo yung ibang friends nila. Hinila si Alf pabalik then yung girlf, hinila ng ibang guys pa-float.
Then biglang nandun si MG sa medyo harapan, tinatanong niya ako kung ilang years na kami ni Sai, then sabi ko 3 years. Shookt si Ate mo. Then normal event na may happenings. So maya maya hinahanap ko si Sai. Aba. Tago na naman sila ng Bigaan girl. Then lumapit ako, naging awkward sila. So niyaya ko na si Sai somewhere quiet. Kinausap ko siya ng masinsinan. Sabi niya “Eh kasi nga gift niya raw yun.” Tapos natawa siya like mocking Bigaan girl. Then ako seryoso lang, sabi ko “Ha? Gift ang pagiging malandi?” Tapos tawa lang siya. Krazy. Then sabi ko “Paano kasi, ine-entertain mo yung pagiging malandi niya so feeling niya okay lang yung ginagawa niyo. Kaya patago kayong naglalandian.” Then parang wala sa sarili si Sai.
Then biglang change scene, nandun ulit kami sa mga seatmates namin earlier. Parang nagluluto ng breakfast yung isa then chinichikka niya ako. Sabi ko sa sa kanya, si Sai masarap magluto ng egg. Haha! Tapos yung katabi kong guy sa other side kausap ko then eventually nag p-point using lips then nakita ni Sai, gagalit na siya agad sa ganun? Eh siya nga. Bahala siya. Galit din ako. Magsama sila ni bigaan girl. Hahaha.
Afterwards, parang nasa grandball/event na may formal dances, tapos galit si Sai kasi nag formal dance ako with other guys. Tapos wala na ako pake sa feelings niya sa panaginip ko. Bahala siya.
Then biglang parang may formal program. Magkasama kami naglalakad ni Sai. Tapos si bigaan girl, parang linta kay Sai. Tapos hindi na nag rereact si Sai. Siguro natauhan duon sa sinabi ko na “Paano kasi ineentertain mo..” Aba ako na gumawa ng move parang ginawa ni Angel Locsin kay Mocha Uson. Yung kaladkad with sabunot. Then shookt ang mga guests sa event. Tapos as in pinapahiya ko si ate girl. Then iyak iyak siya. Like girl you brought this to yourself. Ayun pala kaya rin 50/50 sila earlier, kasi alam nila behind my back, patago pala naglalandian si Sai & bigaan girl.
Tapos dumating si mama, mali daw yung ginawa ko. Tapos galit na galit ako as in sobrang init ng buong katawan ko sa galit like sasabog ako. Then sumagot ako. Lumaban ako. Sabi ko sa kanya na hindi niya alam ang nangyayari. Na hindi porker mabait ang tao sa kanya, sincere sila. Behind those angelic faces are two-faced people. I said to her to stop being gullible kasi pinagdaan ko na rin yun na I chose to be good pero the people are taking advantage of my kindness. Ganern!
Tapos nag alarm na phone ko. Hehe. Pero ang sarap ng gising ko kasi this time kasi hindi na ako weak heart. Minsan, pangit talaga maging mabait kasi lagi tine-take advantage ng mga tao. 🙄