Mahal ko, naaalala mo pa ba? Ang mga araw na tayoây magkasama? Akoây gusto mong patawanin, mahalin akoât lambingin. Walang araw na ikaây bumitaw, laging nandyan, laging pinasasaya ang aking mga araw. At nang nabigyan ng pagkakataon, akoây iyong hinalikan, aking masakit na nakaraan iyo nang tinapon.
Ngunit akoây biglang naglaho, âdi mo na alam kung saan tutungo. Naghihintay ng mga sagot sa tanong, naghihintay mula gabi, umaga at hapon. Mahal âdi ko nasabi, naghihintay lamang ng tamang sandali. Para ikaây aking mahalin, ng higit pa saâyong hinihiling.
Mahal ko, naaalala mo pa ba? Ang mga makukulay na rosas na iyong itininta? Tanging gusto ay akoây pangitiin, mahal ikaây nagtagumpay sa isang pusong mahiyain. Ang iyong mga akap ang aking kalakasan, mahal, ano nga bang nagawa ko, at akoây nabiyayaan ng isang tulad mo.
Ngunit akoây biglang naglaho, âdi mo na alam kung saan tutungo. Naghihintay ng mga sagot sa tanong, naghihintay mula gabi, umaga at hapon. Mahal âdi ko nasabi, naghihintay lamang ng tamang sandali. Para ikaây aking mahalin, ng higit pa saâyong hinihiling.
Mahal handa na ako, sa panibagong yugto ng buhay nating âto. Hindi na magdadalawang isip, sapagkaât ikaw lang ang makaaalis ng sakit. Mahal akoây nagbabalik, sanaây iyong patawarin at muling bigyan ng halik. Hindi na malilito, hindi na mawawala, andito lang sa tabi, naghihintay saâyo.
Maghihintay nang walang hanggan, aasaât magmamahal. Mahal nandito na ako, huling pagkakataon, sanaây muling makita mo. Sanaây muling iyong mahalin, pangakoât ikaw lang ang aking mamahalin.