Paano ba
How can I not let you go...... It's been a year and this pain is still breaking ME. :(
Araw-araw naiisip ko, naiisip kita na sana bumalik na sa dati. Araw-araw ko din sinasaktan sarili ko. Iniisip ko sana panaginip na lang lahat. Pwede ba yun? Pwede bang tignan mo ako ulit gaya ng pagtingin ko sayo? Hindi ko na ba talaga maibabalik ung tayo? Wala na ba talaga?
Ang sakit sakit. Dito oh, sa puso. Parang tinuturok ng ilang libong karayom. Hindi ko alam kung bat pa ako nasasaktan, hindi ba isang taon na. Isang taon na nakalipas nung matapos ung limang taon naten. Yung limang taon na nasayang ko.
Bakit ganun, mahal. Hindi kita mabitawan. Gusto ko ng gumaan ung nararamdaman ko. Sobrang bigat na.... Ang sakit sakit dito. Hindi mailalarawan ng salita ung nararamdaman kong bigat. Gusto ko ng sumuko, gusto na rin kitang sukuan gaya ng pagsuko mo saken. Bakit ganun kahirap.
Mahal. Namiss ko. Namimiss kong tawagin mo ko ng ganan. Sobrang namimiss na kita. Napakaraming rason para sukuan ko na ung tsansang magkabalikan pa tayo pero dahil sa nag-iisang dahilan, hindi ko magawa. Yun yung mahal pa rin kita. Minsan, pinagdadasal ko na lang na sana magising ako may amnesia, nang sa gayon makalimutan ko lahat, ung sakit na andito lahat sa puso ko, yung ikaw mismo.
Sinabi ko sa sarili ko, hindi na dapat ako umiyak pero bakit makalipas ung isang taon heto ako ulit, nagiging iyakin. Nakikita mo pa ba ako? Ganun na ba talaga ako kahirap mahalin ulit? Bakit mahal, bakit mo ko sinukuan..Â












