alam mo, minsan napapaisip talaga ako—bakit ang bilis mong saktan sarili mo gamit lang 'yung mga salitang binibitawan mo? parang automatic na lang na dinadown mo sarili mo lagi. at ewan ko kung napapansin mo, pero may isang taong palaging nagaalala tuwing sinasabi mo 'yan. ako 'yon. ako 'yung tahimik lang na nakikinig, kahit gusto ko nang pigilan 'yung bawat salitang binibitawan mong laban sa sarili mo. ako 'yung nagbibilang ng mga dahilan kung bakit ka mahalaga, kahit hindi mo makita ni isa.
hindi mo alam kung gaano ko gustong yakapin ka kapag sinasabi mong wala kang kwenta, gusto ko sanang isigaw sa'yo, na hindi mo kailangang maging perpekto para piliin. na kahit sa gulo mo, sa pagod mo, sa lungkot mong hindi mo masabi—pipiliin pa rin kita.
ako 'yung taong 'yon. at habang hindi mo pa kayang buhatin sarili mo, ako muna. hayaan mong ako muna 'yung maniwala para sa'yo.















