July 08, 2014 | Tuesday Night May itinerary na sana ko nung araw na to kaya lang hindi naman natuloy. Kaya sinipag kong tapusin tong blog na to habang ikaw himbing na himbing na sa tulog. Kaya nung umaga nito, ikaw gising na ako bagsak na. :P Eh, tapos maarte tong girlfriend mo kaya muntik nang topakin kasi 2nd bday mo nang ganun na d natutuloy yung plans ko para sayo. Frustrated lang ang peg, gusto ko kasing maging memorable ang day na to lagi for you. Pero syempre lalong d naman ako papayag na masira ang araw na to dahil lang sa ganon. Kaya eto ikaw na ang nagdala sakin sa isa sa mga lugar na alam mong dko matatanggihan, ang eat-all-you-can buffet dinner. Kita namang nagenjoy ako db parang ako yung may bday hehe :P Tapos dapat manunuod pa tayo nito kaya lang bigla kong nakaramdam ng kakaiba. *Alam mo na* kaya umuwi na tau agad tapos natulog din tayo ng maaga. *akalain mo un* Maaga natulog kasi sinamahan mo ko kinabukasan sa interview ko sa McKinley mga 10am, kalokang araw! At para maka-move on ako sa stress na dinulot ng interview sakin humingi ako ng isang malaking yakap sayo na hindi mo naman tinanggihan tapos derecho Transformers movie na sa g4. :P Bakit ko to kinukwento? Maliban sa gusto kong ma-preserve ung mga moments nating ganito, gusto ko lang malaman mo kung gano ka kabait at mapagmahal na boyfriend. Lalo lang kita minamahal sa mga bagay na siguro sayo normal lang pero sakin malaking bagay na para sabihin kong swerte ako kasi ganian ang lalaking minahal ko. Salamat sa napakapogi kong boyfriend at lagi mo akong pinapasaya at alagang alaga kahit na minsan nakakainis ka pero alam mo naman na ung inis kong yon eh tinatagong kilig ko lang. :P O, sya brad, Hanggang dito na muna. I Love You Julyuzz ko! :)














