Wika at Mass Media: Impluwensya ng mass media sa tao
     Ang mass media ay isang uri ng pagkokomunika sa madla ngunit hindi nito kayang magbigay komento sa mga reaksyon ng mga tao dahil ang trabaho lamang nito ay ang maghatid ng impormasyon. Sa paraang ito, nakukuha ang atensyon ng karamihan na kung saan kaya nito baguhin ang pananaw ng tao patungkol sa isang bagay. Ang halimbawa na lamang nito ay ang mga patalastas na nagpapakita o nagpapakilala ng kanilang produkto sa mga tao na kung saan inaakit ang lahat na bumili ng kanilang produkto. Napakalaki ng parte na ginagampanan ng wika rito dahil tumutulong ito planuhin ang tema na aangkop sa pagbabahagi ng kaalaman sa madla. Tumutulong rin ito sa paghubog ng kultura ng tao dahil sa mga ibinabahagi nitong kaalaman tungkol sa mga makabagong teknolohiya at ideya ng mga maiimpluwensyang personalidad.
from :Â https://www.reference.com/technology/media-influence-people-9e21f9a0fb16d63f
      Ngunit may masasamang bunga rin ang mass media sa tao. Sa pagbabahagi pa lamang ng impormasyon sa madla, nakalantad na lahat ng karahasan na nangyari at nangyayari sa buong mundo. Ayon sa pagaaral, ang madalas na panonood ng karahasan ay maaring magdulot sa pagbabago sa kaisipan ng tao na kung saan madali silang maimpluwensyahan maging bayolente dahil sa mga nakikita nila lalo na ang kabataan. Ang mga hindi angkop na mga nilalaman katulad na nga lamang ng karahasan ay dapat mapatnubayan mabuti ng mga nakatatanda dahil may karapatan silang magkaroon ng sapat na kaalaman patungkol sa mga ganitong bagay. Ang tamang pagpapaliwanag sa mga kabataan ang siyang makakatulong maitama ng mabuti ang kaalaman nila tungkol sa ganitong bagay.
from:Â http://ajeshpk.blogspot.com/2015/10/media-introduction-media-refers.html
Source:Â https://www.reference.com/world-view/negative-effects-mass-media-communication-society-7e6535ec2d045f5c
Isinulat ni Jose Emmanuel D. Guevara | S11-10