Batanes: Tahimik na Paraiso
Ang aking paglalakbay sa Batanes ay isang karanasang hindi ko malilimutan. At kung ilalarawan isa itong mapayapang lugar, simple, masaya at kontento. Ang tawag sa mga taong naninirahan sa lugar na ito ay 'Ivatan', Ayon sa kasaysayan, ang salitang Ivatan ay maaaring nagmula sa "Ibat" o "Iban", na isang salitang tumutukoy sa isang tao o grupo mula sa ibang pook o tribo. May mga haka-haka na ang Ivatan ay isang salitang tumutukoy sa kanilang pagiging isang magkakaugnay na komunidad. Ipinakita din ng mga Ivatan ang kanilang mga tahanang gawa sa bato na matibay laban sa malakas na hangin kung saan mas lalong nagpahanga sa akin. Pinuntahan din namin ang Marlboro Country, na kilala sa mga kabayo at magagandang tanawin ng dagat at bundok. Mula sa taas nito, makikita mo ang magandang tanawin ng bayan at dagat mula sa "Basco Lighthouse" na naitatag noong dalawang libo't tatlo na kung saan nagsisilbing ilaw at gabay para sa mga mangingisda at mga barko na dumadaan sa karagatang nakapalibot sa Batanes.
KASIYASIYANG KAALAMAN:
Ang Batanes ang tanging probinsya sa Pilipinas na walang mga dyip? Sa halip, ang mga tao dito ay gumagamit ng mga traysikel at bangka bilang pangunahing paraan ng transportasyon.
Sa paglalakbay marami akong nakapulutang aral at nakita ko ang kahalagahan ng historya ng Batanes. Napakalayo ng klase ng kanilang pamumuhay sa atin ngunit ang pagiging masiyahin at pagiging kontento ang nagbubuklod sa mga tao sa lugar na ito. Walang lamangan, pataasan, o inggit kundi simple, bayanihan at payak na pamumuhay lamang ngunit masaya at kontento.
















