Kahit anong iiyak ko, kahit anong gawin ko, kahit anong pang pag papaintindi gawin ko, never nyang iintindihin dahil hindi nya ako gustong maintindihan. Dahil hindi na ako. Matagal ng hindi ako.
Imagine, since 2022 nag unfollowan kami sa Instagram, tiktok at lahat pa. Kami pa non, napopost nya pa ko sa mga stories nya pero ni kahit minsan hindi na nya ko sinubukan subaybayan kahit na LDR kami. Petty no? Pero yun talaga kinakatampo ko. Sobra. Isa sa mga nagpapasama ng loob ko. Kasi naiisip ko bakit yung ibang tao, mga mga dati nyang nakalandian interasado parin sya sa buhay nila? Pero bat sakin? Kasi matagal ng hindi ako. Hindi sya interasado sakin. Alam ko nanaman na yung sagot matagal na, tanginah pinansyal nalang dulot ko sakanya. Kailangan nya nalang ako hindi na mahal matagal na. Sakit aminin sa sarili ko na ayun lang yung ganap ko sa buhay nya sa loob ng sumunod na dalawang taon na kami. Sobrang sakit aminin sa sarili ko na oo nga, nagamit lang ako. Hindi naman sya interasado sakin dahil mahal nya ko, kinailangan nya lang ako dahil ako taga salo nya. Yun lang yung ganap ko sa buhay nya.
Kaya ngayon na kaya na nya tinapon nya lang ako na parang basura. Dati ko pa alam, dati ko pa ramdam pinili ko lang mag bulagbulagan at paniwalain sarili ko na mahal nya ako kahit ang totoo ramdam ko na hindi naman talaga.
Tangina sobrang sising sisi ako. Sa lahat, sa apat na taon na sinayang ko, oras at buhay ko skanaya. Sana sinunod ko nalang utak ko, sana dati pa ko natauhan.
Sa susunod tangina huwag nyo na ko hayaan makakilala ng taong kagaya nya. Sobrang sakit. Magamit at maiwan.
Totoo na kahit anong ibigay mo, kahit anong sakripisyo mo pag hindi na ikaw hindi na ikaw. Pag tapos kana gamitin at wala ka ng maibigay iiwan ka nalang basta.
Di ko alam anong pinagpapasalamat ko sa saiyo noon Lord, ganito pala ibibigay mo sakin. Kaya galit ako sayo. Dahil pinabayaan moko. Pinabayaan mo ko sa kamay na sasaktan lang ako, grabeng trauma ginawa nyo sakin. Pinagsisisihan ko lahat.