Si nanay ‘to. Of course, you know it’s nanay.
Nak, naisip ko lang bigla gawin ‘to. Just after I drank my vitamins I thought how else could I release my emotions or feelings? Who else could I talk to, without being judged? Nak, naisip kita.
Without even being sure that you’ll ever come into my life, I thought of you, Max. Bukod kay Lord, who better else can I talk to kung ‘di ikaw? Kahit walang kasiguraduhan na mababasa mo ‘to in the future Max, I’ll write thinking that you will.
So, ano bang gusto i-share ni nanay? Kakatapos lang ng basketball game ng tatay mo, nak. Well, at least I want him to be your tatay, kahit ex ko siya. Mahabang istorya, anak. ‘Pag pinagkaloob ni Lord na siya maging tatay mo, I’ll tell you all about it. Ayoko pang isipin na hindi siya ang magiging tatay mo, Max. Gaya ng sabi ko, mahabang istorya. Just like with your existence, I’ll write thinking that he’ll be your tatay.
Going back, nanalo team ni tatay ngayong gabi. Maganda ang gameplay nila ngayon, anak. Nakalaro rin nang matagal ang tatay mo at naka-shoot siya nang madaming beses. Magaling si tatay, nak. Love niya magbasketball. Nak, when you grow up, let’s play with tatay, ha? Pagka-isahan natin siya. Kaya natin ‘yun.
What did I do today? Sinimulan ko ‘yung in-enrollan kong training sa LMS ng CSC. Good for one day training nga lang ‘yun at introduction/overview lang, pero information overload na agad ako kahit 40% pa lang progress ko, haha. Tapos ayun, nung malapit na ‘ko matapos sa Module 1, biglang nag-relapse ang nanay mo, nak, hahaha. Sige ba ang iyak ko. Naisip ko na nga lang, “simpleng training na lang ‘di ko pa maraos nang ‘di umiiyak, pa’no pa kaya ‘pag nag-Master’s ako?” Sobrang lakas kasi ng tama ko sa tatay mo, Max. 1 year na kami hiwalay pero ito, hindi ko pa rin tanggap. Nilalamon ako ng mga pala-isipan ko, nak. Paglaki mo, isusumbong ko sa’yo lahat ng sakit na binigay sa’kin ni tatay mo. Ta’s reresbakan natin siya, hm?
Anak, kakampihan mo si nanay, ‘di ba? Excited na ‘kong dumating ka. Alam mo ba 2nd day ng regla ko ngayon? Haha.
I love you, Max. Can you also hug me tonight as I go to sleep?