To God be all the Highest Praise and Glory!😇❤
will byers stan first human second
Game of Thrones Daily
TVSTRANGERTHINGS
cherry valley forever
Show & Tell

Kiana Khansmith
Cosimo Galluzzi
hello vonnie

Janaina Medeiros
Keni

tannertan36
wallacepolsom
KIROKAZE

JBB: An Artblog!

Love Begins

blake kathryn

titsay

Kaledo Art
RMH
trying on a metaphor

seen from United States
seen from United States
seen from United States
seen from United States
seen from United States
seen from United States
seen from United States
seen from United States

seen from United States
seen from United States
seen from United States
seen from United States
seen from United States
seen from United States

seen from Netherlands
seen from United States
seen from Brazil

seen from Türkiye
seen from United States

seen from United States
@lairapusing-blog
To God be all the Highest Praise and Glory!😇❤

Anya is live and ready to show you everything. Watch her strip, dance, and perform exclusive shows just for you. Interact in real-time and make your fantasies come true.
Free to watch • No registration required • HD streaming
Popoy at Basya
Kanino sasabihin ang lahat ng hinaing. Mula sa ano, kelan at bakit umuulit nanaman? Wala na nga bang magagawa? O Baka naman mas pinili lang tumunganga. Ang tanong na Ano, hanggang ngayon ay mistulang palaisipan. Kelan? Yan ay isa pa sa tanong na mahirap kalimutan. At Bakit? Bakit nga ba umabot tayo sa kawalan. Mga pangakong kay'tamis, na tinuldukan ng kalawakan. Sa pagkakataong ito, wala na ang tamis ng dating tayo. Pero bago ka sumuko, bago mo kalimutan lahat ng 'yong pangako. Maaari bang sa huling saglit, ating balikan ang larawang iginuhit. Papel, lapis, at krayola, mga naging tulay sa pangarap nating dalwa. Siguro nga masarap sa pakiramdam, Na lahat ng luha, ay napalitan ng tuwa. Tipong mula sa ako, ay nagkaroon ng tayo. At nagmistulang paraiso ang bawat minuto. Naalala ko ang gabing inabot mo ang tala, Gabing puno ng mga mabubulaklak at matamis na salita. Kung papaanong naipinta, ang magandang larawan ni Laura. Ganun mo ipinakita ang ganda ng bukas na ikaw ang kasama. Bawat oras, minuto at segundo, Tila nakikinig ng paboritong musika sa radyo. Bawat kumpas at tuldok ng daliri mo sa kwaderno. Ganun rin ang tuwa at eksaheradang saya ng aking puso. Ngiting kay tamis sa umaga, di mapagkakailang ikaw ang puno't bunga. Segundo man ay mapahi, agarang dadampi at pipintahan ng 'yong labi. At kung tanghali'y pumait, sabay nating kinukulayan ng pag-ibig. Kung gumabing malamig, sa'yong pinta ako'y tititig. Subalit di maiiwasan, ang pagsubok na pagdaraanan. Kumapit ako sa'yong pangakong, kailanma'y di ka susuko. Na kahit anong pait, pakla at pintas sa pag-ibig. Mananatiling ako at ikaw, lalaban tayo hanggang huling pintig. Ngunit kung paanong kaydali mong dumating, sya ring dali ng pag-iwan mo sakin. Ano ba namang laban ko sa katagang "It's not you, it's me", ni Popoy at Basya. Kaya pikit mata akong nakinig, sa paliwanag mong kay labo ng mga letra. Sabay bitiw mo ng litanyang tama na, kailangan lang siguro muna natin ng pahinga. 'Siguro', siguro na akala ko mababago pa natin pagdating sa dulo. Na baka kunting pahinga lang, tapos nun ready na ulet, okay na ulet tayo. Pero ang daya mo, nagsisimula pa lang e 'time first' na agad ang hiningi mo. Sigurado ka ba talaga? O baka siniguro mo lang na 'pag iniwan ka nya e may sasalo sayo. Ang lupet mo naman lumaban, sabi mo kampi tayo, 'tas ikaw yung shield ko. Pero ba't tila nabago, ginawa mo kong rebound mo. Panakip butas lang ba talaga ako? kasi kung OO, masakit man pero tatanggapin ko. Kung dyan ka masaya, handa naman kitang palayain ng masaya. >>11/18/19<<
Simula Nang Wakas
Sa wakas tapos na ang sandamakmak na gawain, Sangkatirbang takdang aralin, At sabayan pa nang di maubos ubos na proyektong kailangang tapusin. Mapapabuntong hininga ka nalang talaga. Lalo pa ngayon, na lahat ng ito ay tapos na. Nakakamiss no? Pero ganun talaga, kung kailan wala na saka mo makikita ang halaga. Oh wag isiping hugot yan, dahil pass na ko sa mga ganyan. Bigla ko lang naalala ang salitang bes, bessy, ate girl at iba pang tawagan. Oy mga bruha hanggang dulo, aba walang limutan. Natapos natin ang buong kabanata bago tayo tumanda. Ang huling taon natin sa pamantasan, na talaga namang hindi malilimutan. Demo dito, pananaliksik diyan, samahan pa ng pag-aaral sa wikang hiram. Mahirap? Oo sa simula, pero bandang huli at gitna, nakatawa na kasi excellent ang nakuha.👏 'Walong oras na tulog lang naman' yan ang madalas na hinagpis ng ating kalooban. Ikatlong taon natin noon sa pamantasan, ng tanggapin ang hamon sa kawayan. Tulungan, tampuhan at di mawawalang taon ito nang sumbatan. Pero sa huli, natapos, naidepensa at sama-sama natin itong ipinasa👏. Ikalawang taon nang umusbong ang paramihan ng salitang 'crush ko si ganito, si ganun at si ganyan'. Immature mang maituturing, pero taon ito ng mga tunay na magkakaibigan. Tipong todo sa payuhan, isi mo'y mga naging kayo sa pagsasabi ng 'move on na kaibigan'. Nakakatawang alalahanin, pero aminin, nainspire ka sa pagtingin sa kanya ng lihim. 'Musmos at uhugin', marahil yan tayo nong unang taon sa pamantasan. Wag ng tumanggi, lahat tayo ginalitan at naging laman nang usapan. Si ganito nag-iwan ng plato at sina ganyan kabit-kabit sa daan. Mahigpit mang maituturing, pero lahat ng ito ang naghubog satin😊. Tawanan, tampuhan, pintasan, asaran at minsan ding kopyahan. Pero madalas nasa kainan, at kung saan-saang galaan. Marami rami na pala tayong pinagsamahan, Kasabay sa paghubog sa ating kakayahan. Kaya naman salamat sa masisipag na guro, magulang, kaklase at kaibigan. Lalo't higit sa Amang Banal, na umulan at umaraw ay palaging nandiyan. Alay sa inyo ang tagumpay ng nakaraan at kasalukuyang para sa kinabukasan. Panibagong pahina ng kabanata, tunghayan na natin ang simula. >>06/06/18<<
Atras
Nakita kita sa di inaasahang pagkakataon. Nagkakilala tayo sa gitna ng maling panahon. Nagkakwentuhan, tanungan andyan pa ang biruan. Unti-unti, dahan-dahan, di ko namalayang nahuhulog na pala ako ng tuluyan. Ewan ko kung saan o kailan 'to nagsimula? Noon bang nasa bulwagan, ng nagpakilala ka sabay sambit mo ng 'yung ngalan? Baka nong lumapit ka samin noong agahan, sabay tanong ng 'kumusta kayo dyan'? O nong napatingin ako sayong gawi, sabay bigay ng matamis na ngiti sa'yong labi. Hindi ko alam, at ayaw ko na ring malaman. Sino ba ako? Isa lang naman sa mga ka wavemates mo na nahulog sa'yo. Pero alam kong komplikado, di sigurado at paniguradong sasabit sa dulo. Sapagkat mali, mali na maramdaman kong tama ang bagay na di maaari. Pinipilit ang sariling wag ng tumingin o sayo'y sumulyap ng palihim. Kapag malapit ka, ako na ang iiwas at sayo'y didistansya. Di na magtatanong, maghahanap o aasang mag-aalala saking presenya. Akin nalang dadayain ang sarili, na sakin ika'y balewala at di mahalaga. Siguro umasa lang naman talaga ako? Marahil ganyan lang talaga trato mo sa'yong mga katrabaho. Baka nga inisip ko lang na pwedeng maging tayo sa dulo. Na kaya nating lumaban at sa buhay ay makipagsapalaran. Pero mali ako, mali nanaman ako. Una sa lahat, wala nga palang tayo. Ikalawa, mabait ka lang talaga siguro. At huli dito, marahil sa payapa at tahimik mo gusto. Sabagay, una palang naman, talo na ako. Sumugod ako sa labang para sa mga bitirano. Ano nga namang laban ng baguhang tulad ko sa ganitong dwelo. Di pa ko nakakabwelo, duguan na agad sa ingkwentro. Tinamaan ng mga ligaw na bala, balang nagpaalala na walang 'tayo' sa ating dalwa. Matatalim na saksak, na syang paulit-ulit na sumusugat at nagsasabing di ka sasapat. Granadang nag-uunahan sa pagwasak sa'king katinuan, na nagwiwikang tumigil ka, wala kang laban. Hanggang sa maramdaman ko ang sibat na tumagsak sa'king puso, di ko na namalayan na wala na'kong maramdaman. Akala ko masakit na yung iniwasan kita. Na masakit na rin yung pinili kong wag tumingin sa maamo mong mukha. Di ko inasahang may mas sasakit pa pala sa mga nauna. Yun ay nong sinabi mong 'may mahal na akong iba'. Lahat ng bala, patalim, sibat at granada, sabay-sabay na saki'y nagpatumba. Walang kalaban-laban, duguan sa kinatatayuan. Daig pang binuhusan ng kumukulong mantika, sabay lamon sakin ng lupa. Sinapak ng katotohanang, nakatali kana nga pala, ano namang laban ko diba? >>11/17/18<<
(c) God You Are My Everything <3

Anya is live and ready to show you everything. Watch her strip, dance, and perform exclusive shows just for you. Interact in real-time and make your fantasies come true.
Free to watch • No registration required • HD streaming
11:11 pm :)
Everything has changed!
Waahhhhh. Nakakapanindig balahibo !!!!!!
A very nice movie :)
HS Love On <3 :)
*cap💜

Anya is live and ready to show you everything. Watch her strip, dance, and perform exclusive shows just for you. Interact in real-time and make your fantasies come true.
Free to watch • No registration required • HD streaming
Us💔
We used to laugh together, now I guess being apart is better😢 -mema 06/15/16
'Cause you said never and ever!
MemaLang
Iyong Tinig
Natitirang alaala, tanging binabalikan mag-isa.
Naiwang tinig mo, sa pagbigkas ay ligaya.
Araw nga’y kay bilis, pagmamadali sati’y nag mintis.
Makailang gabi lamang ng, panahong ako’y iyong inaawitan.
Tinig mong di man kagandahan, dulot ay tuwang walang hanggan.
Di ba nga’t iyong awit, ang madalas mong saki’y panungkit.
Di ba nga’t tumatawa pa sa galak, boses mong tangi kong hanap.
Puso natin ang nagkakaintindihan, mga boses na nagpapalitan.
Gabing kahit lumalalim, di hadlang maging ako’y antukin.
Kagalakan kong iyong awitan, tila gamot sa kapanglawan.
Sadyang kay sayang balikan, gabing ng ating pagsasalitaan.
Ngiting walang kapantay sa tuwina, hatid ng boses mo sakin sinta.
Ngayo’y nangagtikom mga labi, ng marinig kong muli.
Kapalit ng dating ngiti, ay luha ng dalisay sa pisngi.
Bakit ba o bakit? Tinig mo nooy nawaglit.
Pangakong ako lang ang aawitan, ngayoy wala ng katotohanan.
Sapagkat ako’y mag-isa na, iniwan mong walang kasama.
Ikaw ngayoy masaya na, sa piling nya na saki’y kapalit na.
Ngayong walang masabi sinta, sya na ang iyong kasama.
At ang tanging magagawa, burahin tinig mong dati’y kay sigla.
Tinig mong dulot ay saya, na ngayon ay para na sa kanya.
-....
04/16/16
Hiram na Buhay
Tahan na aking Ina, wag ng umiyak pa.
Hagulhol mong lumalakas, sa puso ko’y nagpapawasak.
Kung pwede ko lang pahirin, luha ng puso mong nagdirimdim.
Kung pwede ko lang sabihin, ako’y magiging ayos rin.
Kung kaya ko lang ipakita, ngiti ng labi’y ginawa.
Kagustuhan kong ika’y pasayahin, at alisin pasakit na pansin.
Nawa’y kaya kong alisin, tubong nakapasak sa akin.
Ngunit sa pagkakataong ito, batang puso ko’y nahihilo.
Iwasan ko mang umiyak sa sakit, ngunit hapdi ay pilit sumisiksik.
Ina nawawalan na ng pag-asa, pero patuloy lalaban pa.
Ipapakita sa inyo na kaya, oo kakayanin kahit na nanghihina.
Alam kong parehas natin ito, ni naisi’y di ginusto.
At kung kayang baguhin pa, mudo’y babaliktarin ko na.
Ngunit anong aking magagawa, gayong narito sa kama at nakahilata.
Nasasaktan ka aking Ina, sa pagdurusa kong nakikita.
Umiiyak ka ng labis, sa luha kong hatid ay pasakit.
Araw-araw kang tumatangin, sa ating Amang maawain.
Naririnig ko ang pagnginig, ng boses mo sa pagtangis.
Naisin ko mang ika’y pigilan, walang magawa kundi tignan.
Dama ang iyong pagsusumamo, na saki’y labis ang pagsuyo.
Sabi mo’y gagawin lahat, maligtas lang ako sa piit na kaharap.
Lugar na aking kinalalagyan, hanggang kelan pa ba mararanasan.
Ina ako pa ba’y mapapatawad mo, kung sakali mang sumuko.
Hangin sa paligid ko, tila ayaw at saki’y lumalayo.
Di ko na kaya Ina, sakit ng puso’y lumalala pa.
Hawakan mo pa ng higpit, kamay kong ngayo’y nanlalamig.
Wag mo kong bibitawan, maging pag iwan wag subukan.
Kakayanin kong di pumikit, hanggang ikaw ay nasisilip.
Anong nangyayari aking Ina, bakit sila’y di magkandaugaga?
Pakiusap ko sa inyo, wag ilayo aking Ina na lakas ko.
Panu pa ko lalaban nito, kung kayo at di si Ina ang kaharap ko.
Ina mga mata ko’y papikit na, pakiramdam ko’y naglalaho na.
Ang layo mo sakin at tila, kailanma’y di na magkakalapit pa.
Saking pagpikit paalam Ina, oras upang ako’y lumisan na.
Ngayon ako’y tutungo na, sa paraisong nilaan sakin ni Ama.
-....
04/09/16
Isang Umaga.
Isang umagang masaya, mga mata’y naaanyaya.
Isang umagang maligaya, sayong piling langit sinta.
Isang umagang pangako mo, tanging pundasyon sa tuwina.
Isang umagang nasasabik, sa pag gising ika’y nagbalik.
Isang umagang nagbago, pangako mo’y naglaho.
Isang umagang nagtatanong, matatabunan ba nang panahon?
Isang umagang masakit, puso ko’y labis na naipit.
Isang umagang lungkot, luha ang saki’y bumabalot.
Isang umagang umaasa, na muli ay maging masaya.
Isang umagang tatanggapin, katotohanang wala kana sakin.
Isang umagang ngingiti, sa mga mata’y makikitang muli.
Isang umagang gigising, puso ko’y maghihilom rin.
-....
04/04/16

Anya is live and ready to show you everything. Watch her strip, dance, and perform exclusive shows just for you. Interact in real-time and make your fantasies come true.
Free to watch • No registration required • HD streaming
Sa Ulan Sinta!
Sa ulan ingingiti, saya at liwanag ng labi.
Ingingiti sa tuwina, sandaling pinagsaluhang kay saya.
Sa ulan ibubulong, pagsasama natin noon.
Ibubulong na lamang, mga pangako mong naglaho sa daan.
Sa ulan isisigaw, pangalan mo aking mahal.
Isisigaw kailan pa man, pangalan mong nagpatangan.
Sa ulan itatanong, nasan ka na nga ba ngayon?
Itatanong nalang, kung pag-asa ba’y kelan, pano at saan.
Sa ulan aalalahanin, unang araw ng pagsasama natin.
Aalalahanin sa tuwina, dating tayong kay inam pa.
Sa ulan idadaing, sakit at pait na binigay mo sakin.
Idadaing nalang sinta, luwang na ngiting minsan mong pinadama.
Sa ulan itatangan, pighati ng puso’t isipan.
Itatangan nalang, tanging paraan ng paglimot mo’t paglisan.
Sa ulan idadalangin, O Ama nawa sakit at hapdi’y iyong alsin.
Idadalangin sa tuwina, na sana ang tayo’y di na sinimulan pa.
Sa ulan isisisi sinta, ala alang saki’y di mawala wala.
O Ngayo’y walang magawa, ni magsisi man ang ula’y di huhupa.
-....
04/09/16
Kanlungan
Umagang kay ganda, umagang kay saya.
Sa piliing nyo sinta, ay wala ng mahihiling pa.
Sa akap nyong kay higpit, nakawawala sa pait.
Sa kandungan nyo’y kay saya, kapantay ay ligaya.
Sa inyong pagkalinga at tabi, puso ko’y lumalaki.
Pag-aalaga nyong tunay, pasalamat ma’y di papantay.
Sa inyo O giliw, pag ibig ko’y di magmamaliw.
Isang umagang nawalay, umagang kelangang masanay.
Aking mga paa’y tutungo, sa lugar na tila’y di ko gusto
Sapagkat araw ay lilipas, kelangang tumayo sa sariling landas.
Sa una’y sadyang mahirap, sikip ng dibdib madalas kaharap.
Segundo, minuto at oras, kayo’y nais makita sa bawat bukas.
Ninanais na sanang itigil, itong pagtahak sa lugar ng masupil.
Masupil lahat ng takot dito, saking isipan at puso.
Umagang nagdaan sakin, tila sa tuwina’y nasanay narin.
Itong aking batang puso, na kayo lang nagpapaamo.
Natutong sa daa’y magpakamanhid, upang di nila mapatid.
Minsa’y umibig, nasaktan, umiyak, umasa at sa dulo’y nabigo.
Naghinagpis at nagtanong, itong aking pusong may patong.
Sa huli’y nangagtuto rin, sa mundo na puno ng salarin.
Binaling ng mapagtakpan, sakit sa dibdib, puso’t isipan.
Isang umaga’y madilim pa, ngunit may luha na agad sa mata.
Akala ko’y kaya ko na, problema ay tapusing mag isa.
Di na naghabol, nagtanong, at naghanap pa.
Aking pusong kay ningning tila tala, pinatid at naiwang walang wala.
Sinulo ang pait at sakit, kinimkim sa dibdid na ubod ng sikip.
Nasabi nalang sa hangin, sugat ba’y maghihilom rin.
Puso kong tila naging bato, hinanap bigla ang paglingap nyo.
Gigising na muli, itong puso kong minsang nasawi.
Lumisang minsan, pagkataong kinagisnan.
Ngayon sa piling nyo, magbabalik muli ang dating ako.
Ako na sa inyo natuto, sa pagsuyo na laging tanto.
Babangon na sa tuwina, nasa inyong bisig ama’t-ina.
Na nagsisilbing silungan ko, ano mang oras nandyan kayo.
Pasasalamat sa Diyos ng husto, na kayo ang kasama sa buhay na ito.
-....
04/09/16