blue scara theme >>
seen from United States
seen from Sweden
seen from China

seen from United Kingdom
seen from China
seen from United States
seen from United States

seen from Malaysia
seen from United States
seen from China
seen from Poland
seen from United States

seen from Kuwait
seen from Germany
seen from India

seen from India
seen from Germany

seen from United States
seen from United States

seen from India
blue scara theme >>

Anya is live and ready to show you everything. Watch her strip, dance, and perform exclusive shows just for you. Interact in real-time and make your fantasies come true.
Free to watch • No registration required • HD streaming
Seeing off my Little Peach. I miss you always boo @thelilpeach 😘😘😘 Love my ladies #Dayones #LALoves (at The Redbury)
Yesterday 😂😂#manequinchallenge #laloves #athenamauricedaldal 👸 @athenamaurice
Iyong Tinig
Natitirang alaala, tanging binabalikan mag-isa.
Naiwang tinig mo, sa pagbigkas ay ligaya.
Araw nga’y kay bilis, pagmamadali sati’y nag mintis.
Makailang gabi lamang ng, panahong ako’y iyong inaawitan.
Tinig mong di man kagandahan, dulot ay tuwang walang hanggan.
Di ba nga’t iyong awit, ang madalas mong saki’y panungkit.
Di ba nga’t tumatawa pa sa galak, boses mong tangi kong hanap.
Puso natin ang nagkakaintindihan, mga boses na nagpapalitan.
Gabing kahit lumalalim, di hadlang maging ako’y antukin.
Kagalakan kong iyong awitan, tila gamot sa kapanglawan.
Sadyang kay sayang balikan, gabing ng ating pagsasalitaan.
Ngiting walang kapantay sa tuwina, hatid ng boses mo sakin sinta.
Ngayo’y nangagtikom mga labi, ng marinig kong muli.
Kapalit ng dating ngiti, ay luha ng dalisay sa pisngi.
Bakit ba o bakit? Tinig mo nooy nawaglit.
Pangakong ako lang ang aawitan, ngayoy wala ng katotohanan.
Sapagkat ako’y mag-isa na, iniwan mong walang kasama.
Ikaw ngayoy masaya na, sa piling nya na saki’y kapalit na.
Ngayong walang masabi sinta, sya na ang iyong kasama.
At ang tanging magagawa, burahin tinig mong dati’y kay sigla.
Tinig mong dulot ay saya, na ngayon ay para na sa kanya.
-....
04/16/16
Hiram na Buhay
Tahan na aking Ina, wag ng umiyak pa.
Hagulhol mong lumalakas, sa puso ko’y nagpapawasak.
Kung pwede ko lang pahirin, luha ng puso mong nagdirimdim.
Kung pwede ko lang sabihin, ako’y magiging ayos rin.
Kung kaya ko lang ipakita, ngiti ng labi’y ginawa.
Kagustuhan kong ika’y pasayahin, at alisin pasakit na pansin.
Nawa’y kaya kong alisin, tubong nakapasak sa akin.
Ngunit sa pagkakataong ito, batang puso ko’y nahihilo.
Iwasan ko mang umiyak sa sakit, ngunit hapdi ay pilit sumisiksik.
Ina nawawalan na ng pag-asa, pero patuloy lalaban pa.
Ipapakita sa inyo na kaya, oo kakayanin kahit na nanghihina.
Alam kong parehas natin ito, ni naisi’y di ginusto.
At kung kayang baguhin pa, mudo’y babaliktarin ko na.
Ngunit anong aking magagawa, gayong narito sa kama at nakahilata.
Nasasaktan ka aking Ina, sa pagdurusa kong nakikita.
Umiiyak ka ng labis, sa luha kong hatid ay pasakit.
Araw-araw kang tumatangin, sa ating Amang maawain.
Naririnig ko ang pagnginig, ng boses mo sa pagtangis.
Naisin ko mang ika’y pigilan, walang magawa kundi tignan.
Dama ang iyong pagsusumamo, na saki’y labis ang pagsuyo.
Sabi mo’y gagawin lahat, maligtas lang ako sa piit na kaharap.
Lugar na aking kinalalagyan, hanggang kelan pa ba mararanasan.
Ina ako pa ba’y mapapatawad mo, kung sakali mang sumuko.
Hangin sa paligid ko, tila ayaw at saki’y lumalayo.
Di ko na kaya Ina, sakit ng puso’y lumalala pa.
Hawakan mo pa ng higpit, kamay kong ngayo’y nanlalamig.
Wag mo kong bibitawan, maging pag iwan wag subukan.
Kakayanin kong di pumikit, hanggang ikaw ay nasisilip.
Anong nangyayari aking Ina, bakit sila’y di magkandaugaga?
Pakiusap ko sa inyo, wag ilayo aking Ina na lakas ko.
Panu pa ko lalaban nito, kung kayo at di si Ina ang kaharap ko.
Ina mga mata ko’y papikit na, pakiramdam ko’y naglalaho na.
Ang layo mo sakin at tila, kailanma’y di na magkakalapit pa.
Saking pagpikit paalam Ina, oras upang ako’y lumisan na.
Ngayon ako’y tutungo na, sa paraisong nilaan sakin ni Ama.
-....
04/09/16

Anya is live and ready to show you everything. Watch her strip, dance, and perform exclusive shows just for you. Interact in real-time and make your fantasies come true.
Free to watch • No registration required • HD streaming
Isang Umaga.
Isang umagang masaya, mga mata’y naaanyaya.
Isang umagang maligaya, sayong piling langit sinta.
Isang umagang pangako mo, tanging pundasyon sa tuwina.
Isang umagang nasasabik, sa pag gising ika’y nagbalik.
Isang umagang nagbago, pangako mo’y naglaho.
Isang umagang nagtatanong, matatabunan ba nang panahon?
Isang umagang masakit, puso ko’y labis na naipit.
Isang umagang lungkot, luha ang saki’y bumabalot.
Isang umagang umaasa, na muli ay maging masaya.
Isang umagang tatanggapin, katotohanang wala kana sakin.
Isang umagang ngingiti, sa mga mata’y makikitang muli.
Isang umagang gigising, puso ko’y maghihilom rin.
-....
04/04/16
Sa Ulan Sinta!
Sa ulan ingingiti, saya at liwanag ng labi.
Ingingiti sa tuwina, sandaling pinagsaluhang kay saya.
Sa ulan ibubulong, pagsasama natin noon.
Ibubulong na lamang, mga pangako mong naglaho sa daan.
Sa ulan isisigaw, pangalan mo aking mahal.
Isisigaw kailan pa man, pangalan mong nagpatangan.
Sa ulan itatanong, nasan ka na nga ba ngayon?
Itatanong nalang, kung pag-asa ba’y kelan, pano at saan.
Sa ulan aalalahanin, unang araw ng pagsasama natin.
Aalalahanin sa tuwina, dating tayong kay inam pa.
Sa ulan idadaing, sakit at pait na binigay mo sakin.
Idadaing nalang sinta, luwang na ngiting minsan mong pinadama.
Sa ulan itatangan, pighati ng puso’t isipan.
Itatangan nalang, tanging paraan ng paglimot mo’t paglisan.
Sa ulan idadalangin, O Ama nawa sakit at hapdi’y iyong alsin.
Idadalangin sa tuwina, na sana ang tayo’y di na sinimulan pa.
Sa ulan isisisi sinta, ala alang saki’y di mawala wala.
O Ngayo’y walang magawa, ni magsisi man ang ula’y di huhupa.
-....
04/09/16
Kanlungan
Umagang kay ganda, umagang kay saya.
Sa piliing nyo sinta, ay wala ng mahihiling pa.
Sa akap nyong kay higpit, nakawawala sa pait.
Sa kandungan nyo’y kay saya, kapantay ay ligaya.
Sa inyong pagkalinga at tabi, puso ko’y lumalaki.
Pag-aalaga nyong tunay, pasalamat ma’y di papantay.
Sa inyo O giliw, pag ibig ko’y di magmamaliw.
Isang umagang nawalay, umagang kelangang masanay.
Aking mga paa’y tutungo, sa lugar na tila’y di ko gusto
Sapagkat araw ay lilipas, kelangang tumayo sa sariling landas.
Sa una’y sadyang mahirap, sikip ng dibdib madalas kaharap.
Segundo, minuto at oras, kayo’y nais makita sa bawat bukas.
Ninanais na sanang itigil, itong pagtahak sa lugar ng masupil.
Masupil lahat ng takot dito, saking isipan at puso.
Umagang nagdaan sakin, tila sa tuwina’y nasanay narin.
Itong aking batang puso, na kayo lang nagpapaamo.
Natutong sa daa’y magpakamanhid, upang di nila mapatid.
Minsa’y umibig, nasaktan, umiyak, umasa at sa dulo’y nabigo.
Naghinagpis at nagtanong, itong aking pusong may patong.
Sa huli’y nangagtuto rin, sa mundo na puno ng salarin.
Binaling ng mapagtakpan, sakit sa dibdib, puso’t isipan.
Isang umaga’y madilim pa, ngunit may luha na agad sa mata.
Akala ko’y kaya ko na, problema ay tapusing mag isa.
Di na naghabol, nagtanong, at naghanap pa.
Aking pusong kay ningning tila tala, pinatid at naiwang walang wala.
Sinulo ang pait at sakit, kinimkim sa dibdid na ubod ng sikip.
Nasabi nalang sa hangin, sugat ba’y maghihilom rin.
Puso kong tila naging bato, hinanap bigla ang paglingap nyo.
Gigising na muli, itong puso kong minsang nasawi.
Lumisang minsan, pagkataong kinagisnan.
Ngayon sa piling nyo, magbabalik muli ang dating ako.
Ako na sa inyo natuto, sa pagsuyo na laging tanto.
Babangon na sa tuwina, nasa inyong bisig ama’t-ina.
Na nagsisilbing silungan ko, ano mang oras nandyan kayo.
Pasasalamat sa Diyos ng husto, na kayo ang kasama sa buhay na ito.
-....
04/09/16