Sa Dilim ng Aparador (ni: lagim2laugh)
Tahimik ang buong bahay. Patay lahat ng ilaw, at ako lang mag-isa. Biglang may kumalabog sa kwarto. Napakapit ako sa kumot, nanginginig. Dahan-dahan akong tumayo, nilapitan ang aparador na pinagmulang ng ingay. Huminga ako nang malalim. Isa… dalawa… tatlo… binuksan ko. May gumalaw! Maputi, nakatitig, at unti-unting gumagapang papalapit! Napasigaw ako…
“Kuya mo 'to, naghanap lang ng brief!”















