SERYOSONG TIPS SA PAG-AAPLY NG TRABAHO
Bago mag-apply, alamin muna kung anong klaseng trabaho ang papasukin. Di mo alam ipagbebenta na pala kidney  mo.
Ayusin ang paggawa ng resume dahil diyan ka nila unang ijujudge. Siguraduhing hindi naka-duckface ang ID picture at hindi ComicSans ang fontstyle mo. Kalimutan muna ang pagiging jejemon.
Wag mo ng ilagay sa personal attainment mo na isa kang dubsmash sensation. Wala silang pake sa mga pabebe-videos mo.
Kahit nagsubmit ka na sa email, mas maganda kung may dala ka pa ring extra documents at resume in case na tawagan ka for interview. Kakailanganin mo yan para kapag hindi ka natanggap, pede mo yung itampal sa pagmumukha nila.
Magsaliksik sa background ng kompanya na pag-aaplyan. Diyan ka naman magaling di ba, ang man-stalk?
Wag mo ng pag-aksayahan ng panahon yung mga nagmemessage ng âGusto mo bang yumaman?â Pakshet. Lahat ng tao gustong yumaman! Hindi na dapat tinatanong yan! Â Kaya ka nga nagtatrabaho eh!!
Donât go barkadahan sa pag-aaply ng trabaho. Youâll end up hurting pag natanggap silang lahat tapos ikaw lang ang hindi. Tapos magseself-pity ka na namang kuyumad ka.
Gumawa ng personal account sa jobstreet, jobsdb, at workabroad para madaling mahanap ng employer yung resume mo. Hindi kasama jan ang grindr at planetromeo, kingina ka. Saka ka na lang lumandi âpag nagkatrabaho ka na.
Maging disente sa pananamit kapag mag-aaply ng trabaho. Utang na loob, never naging corporate attire ang puki shorts mo.
Wag masyadong umasa hanggaât hindi ka pa pinapapirma ng kontrata. Kaya ka nasasaktan eh. Hindi ka pa ba natututo?
Donât rely on âKung sino yung unang tumawag na employer yun ang tatanggapin ko.â Stick to your plans and goals. Minsan sa sobrang desperado nating magkatrabaho, nawawala tayo sa main goal natin. Tapos sa huli rereklareklamo ka na pangit yung kompanyang pinasukan mo.
Wag madepress kapag narereject ka palagi. Kung talagang para saâyo yung isang bagay, ibibigay saâyo.
Kung sakaling di ka motivated, try mo munang tumambay ng matagal para maranasan mo yung pakiramdam ng walang pera, mabored, maging walang silbi, palamunin at salot ng lipunan. Para kapag nag-apply ka ng trabaho, damang-dama mo, sagad.










