Humingang malalim, pumikit na muna
At baka-sakaling namamalikmata lang
Ba't nababahala? 'Di ba't ako'y mag-isa?
'Kala ko'y payapa, boses mo'y tumatawag pa
Binaon naman na ang lahat
Tinakpan naman na 'king sugat
Ngunit ba't ba andito pa rin?
Hirap na 'kong intindihin
Tanging panalangin, lubayan na sana
Dahil sa bawat tingin, mukha mo'y nakikita
Kahit sa'n man mapunta ay anino mo'y kumakapit sa 'king kamay
Ako ay dahan-dahang nililibing nang buhay pa
Dinadalaw mo 'ko bawat gabi
Haplos mo'y ramdam pa rin sa dilim
Minumulto na 'ko ng damdamin ko
Hindi pa ba sapat pagpapahirap sa 'kin? (Damdamin ko)
Hindi na ba ma-mamamayapa?
Hindi na ba ma-mamamayapa?
Dinadalaw mo 'ko bawat gabi
Haplos mo'y ramdam pa rin sa dilim
Minumulto na 'ko ng damdamin ko
Hindi mo ba ako lilisanin? (Makalaya)
(Dinadalaw mo 'ko bawat gabi) hindi pa ba sapat pagpapahirap sa 'kin?
(Wala mang nakikita) hindi na ba ma-mamamayapa?
(Haplos mo'y ramdam pa rin sa dilim) hindi na ba ma-mamamayapa?
Oo. Isa kang multo. Hindi maintindihan kung anong kailangan, hindi maintindihan kung anong gustong ipahiwatig. Minsan papansin, minsan hindi makutaptapan. minsan hindi namamansin/dedma. Kapag ok na ako saka ka nanaman magpaparamdam. Saka ka nagpapaepal. Ano bang trip mo?