DBTI-Makati: Institusyong magbibigay tagumpay sa mag-aaral
 Naratibong Sanaysay ni: John Alamillo
   Sa panahon ngayon, maraming mag-aaral ay hindi alam kung ano ang pipiliin nilang paaralan para sa Senior High School. Marami ang nahihirapan na pumili ng paaralan na kanilang papasukan dahil ang yugto na ito upang sila ay magtagumpay sa kolehiyo. Sa Departmento ng Senior High School sa Don Bosco Technical Institute of Makati, mabibigyan nito ang mga mag-aaral ng mataas na kalidad na edukasyon upang silaây maging matagumpay sa pag-abot ng kanilang pangarap.
    Sa taong 2016, naipakilala ang K to 12 Curriculum sa paaralan ng Don Bosco Technical Institute-Makati. Sa matagal na panahon, ang institusyon na ito ay naging ekslusibo lamang para sa mga kalalakihan, ngunit dahil sa kurikulum na ito, tumanggap na rin ang institusyon ng mga kababaihan para sa programa ng Senior High School. Dahil ang paraalan na ito ay bokasyonal, naghahandog din sila ng mga âtechnical subjectsâ upang matulungan ang mga mag-aaral na may nais kumuha ng teknikal na kurso sa kolehiyo. Sa mga âtechnical subjectsâ na ito, matatagpuan natin ang mga kursong Preventive Maintenance 1 at 2, Computational Thinking and Programming, Robotics 1 at 2, Electrical Installation and Maintenance, Pre-Engineering Science with Basic and Advanced AutoCad, 3d Modelling Animation, Advanced Statistics and Social Science, at Excel Visual Basic Application. Ang Departamento ng Senior High School ay naghahandog ng apat na strands (STEM, ABM, HUMSS, Arts and Design). Dahil sa pandemya, ang institusyon na ito ay gumawa ng paraan upang maka-angkop ito at ang mga mag-aaral sa ânew normalâ.  Upang maalagaan ang kalusugang palaisipan ng mga mag-aaral, nagsagawa ng weekly interview ang mga guidance counselors sa buong Senior High School Department. Ang paaralang ito ay hindi lamang nagbibigay ng mataas na kalidad na edukasyon para sa mag-aaral. Hindi lamang layunin ng departamentong ito na mabigyan ang mga mag-aaral ng kalidad na edukasyon, ngunit bumuo din ng mga mabubuting Kristiyano at matuwid na mamamayan.
    Bilang konklusyon, ang Departmento ng Senior High School-Makati ay hindi lamang naghahandog ng apat na strands kundi naghahandog din ito ng mga teknikal na kurso na makakatulong sa mga mag-aaral na nais kumuha ng bokasyonal na kurso. Dahil bago ang K to 12 Curriculum sa institusyong ito, naging bukas na rin ito para sa mga kababaihan. Ang institusyon na ito ay hindi lamang nagbibigay ng mataas na kalidad na edukasyon, ngunit huhubugin rin nito ang mga mag-aaral upang maging isang mabuting Kristiyano at matuwid na mamamayan.
















