BABAE
Kaming mga babae? Maarte. Ayaw ng mga nakakadiring bagay. Kaya wag ka magsesend kasi panigurado magagalit kami. Maingay. Kung makatawa wagas. Pero wag kang maiingayan samin kasi ibig sabihin nun masaya kami kapag kasama kayo. Makwento. Kahit di mo alam o di ka nakakarelate sa sinasabi namin, ikwekwento pa din namin. Makinig ka nalang. Hilig naming mang-asar, pero pag kami na ang inasar sobrang pikon. Matakaw. Pero ayaw namin na sasabihin kami ng “ang takaw mo!” o “baboy” kasi panigurado mag-aaway lang tayo. Selosa kami. Gusto namin kami lang kausap nyo at kakausapin nyo. Possessive. Kapag may kumausap o nagchat o nagtext sainyo na babae, magagalit agad kami. Kahit mag-like ka lang ng picture ng ibang babae. Kasi gusto namin kami lang. Masungit. Mataray. Madaling mainis. Moody. Lalo na pag may red tide. Madrama. Pag nanunuod ng movie or nagbabasa ng story bigla nalang iiyak na akala mo nangyayari din samin yung pinapanuod o nababasa namin. Pero sa kabila ng mga yan, kahit mataray kami, maarte, masungit. Wag nyo kaming pagsasawaan. Wag nyo kami susukuan. Kasi ganto talaga kami ginawa. Hindi nyo kami masisisi. Kahit naman ganto kami, kaya naman din namin kayong mahalin. Kaya namin masakripisyo para sa inyo. Kaya namin gawin lahat para sa inyo. Kaya wag mo lolokohin ang isang babae. Hindi kami nilala-“lang”. “Nilalang” kami na ginagalang. At kung hindi dahil sa babae, wala kayo sa mundong to dahil unang una, babae rin ang nanay nyo.
💪💪💪👍👌👏👏












