MALABO
Pagkakataong hindi alintana
kadahilanang malabong pagasa
Muling tibok ng orasan
tila mabilis nangalawang
Ano nga ba itong kapalaran
kalangitang bituin sinabugan
Tanging liwanag ng buwan
Pinagkakaitan ng kaulapan
Kailan sisilip ang araw
sa kalangitang gabiing mababaw
Imposible, walang puwang
huwag naman sanang ewan.








