Pagkatapos ng ilang araw na pananalangin at Pag-iyak, Magpapadala ang Diyos ng kasagutan at ng pag-asa. Ibabalik ang ligaya na paulit-ulit na gustong palitan ng tanikala. Patatahimikin ang pusong tinatago ang sakit sa dilim, Pakikingan ka niya. Pakikingan ba natin siya?
Katulad ng kanyang mga salita hindi niya nakakalimutan ang mga ginawa mong bagay para sa kanyang Pangalan.
Liliwanag din, matatapos din ang takot.
Magigising ka nalang na ang mga pangamba at pagduda ay wala na.



















