Estudyanteng Walang Mukha
ni: Zarfa
Lagi siyang nasa likod Hindi dahil huli siyang dumating, kundi dahil tila hindi siya kailanman inanyayahang umupo sa harap.
Wala siyang boses sa recitation, wala rin sa group chat. Hindi siya lumalaban sa taas ng score, hindi rin sumasama sa picture-taking. Kapag dumadaan siya sa hallway, hindi siya nababangga—hindi dahil nirerespeto siya, kundi dahil parang wala siya roon.
Wala siyang mukha Hindi literal—kumpleto ang mata, ilong, bibig. Pero walang gustong tumingin. Para bang sa sobrang tahimik niya, unti-unti siyang naging bahagi na lang ng background ng paaralan—isang aninong hindi pinapansin.
Minsan, nagtaas siya ng kamay Dahan-dahan Mabagal Umaasang makikita.
Ngunit sa pagkakataong iyon, tumawag ang guro ng ibang pangalan Mas kilala, Mas maingay.
Bumaba ang kanyang kamay at sa pagkakataong iyon, isa na namang piraso ng kanyang mukha ang nabura.


















