Minsan talaga napapaisip ako sa preferences ng ibang players. Naiintindihan ko naman na iba-iba ang taste ng bawat tao.
Lahat ng premium fabrics namin ay sports-based at ginawa talaga para sa performance wear magaan, breathable, at tama lang ang kapal para komportable sa laro.
May president ng isang pickleball club na pinaggawan ko ng sample. Ang request niya, gusto niya raw ng parang NFL jersey. Bilang concern din ako sa magiging output, nagsuggest ako na gawin na lang itong box-type shirt na inspired ng NFL style pero mas bagay sa pickleball. Pumayag naman siya.
Nung usapang presyo na, ipinaliwanag ko na kung gusto nilang pumasok sa budget nila, kailangan naming i-adjust ang cuts. Sinabi ko rin nang maaga na hindi ito magiging tulad ng gusto nilang cuts dahil tataas ang production cost. Pumayag naman sila, kaya ginawa namin ang sample. Pero kabado na ako eh kasi mukhang mataas expectations kahit wala silang budget.
Sa totoo lang, sobrang higpit ako sa mga gawa namin, hindi lalagpas sakin pag hindi pasado kahit sarili kong pattern yun pero nung nakita ko ang sample, isa iyon sa mga output na talagang ipinagmamalaki ko. Kinuha kong reference yung box type ng Penshoppe hiniram ko pa shirt ng tropa ko and mas maganda pa gawa ko. Kilig na kilig ako as in.
Pero ayun pagdating sa kanila, hindi raw nagustuhan nung kausap ko. Kesyo hindi raw gusto ang kulay kahit SIYA MISMO ang pumili ng color sa swatches. Hindi rin daw nasunod ang cuts kahit naipaliwanag ko nang maaga na kailangan itong baguhin para pasok sa budget nila for short hindi nila afford. Tapos sinabi pa na manipis daw ang tela. Ang ganda ng ng pagkanipis nun eh. Tapos gusto mo magaan pero makapal gusto? Pano yun.
Dun talaga ako napaisip. Ang performance wear kasi ay sadyang ginawa para maging magaan, breathable, at komportable sa galaw. Bilang athlete rin, yun mismo ang hinahanap namin. Hindi naman ibig sabihin na manipis ang tela ay mababa na ang quality. Marami sa mga kilalang sports brands ang gumagamit ng lightweight performance fabrics dahil yun ang mas functional habang naglalaro.
Pero ayun bahala si kuya. Hindi sila pasok sa target market namin. For the clout lang ata to sa paglalaro eh. Ayun parant lang. HAHAHA