Minsan naa-amaze ako sa katawan ko. Napapaisip ako kung bakit parang ang bilis kong makarecover pagkatapos ng mga mabibigat na training orrrrr baka naman sanay lang talaga ako kaya hindi ko na gaanong napapansin ang pagod at sakit kasi na-eenjoy ko yung mga ginagawa ko. Syempre sinasabayan ko rin kasi ng proper na pagkain para makatulong sa recovery ko.
Naalala ko last year nung nag-training ako ng run at bike habang bumabagyo. Kinabukasan, hayun nilagnat. Hehe. Grabe dun ko naranasan yung sobrang sakit ng katawan. Kahit gusto ko matulog, hindi ko ramdam ko as in sa buong katawan yung sakit.
Habang nagpapagaling ako, bigla akong napaisip na ganito kaya ang pinagdadaanan ng katawan ko araw-araw? Dahil vulnerable ako nung may lagnat, mas naramdaman ko yung mga stress at pagod na usually hindi ko napapansin kapag normal ang pakiramdam ko.
Dun ko lalo na-appreciate kung gaano na katatag ang katawan ko. Tapos last year eh wala pa akong maayos na training program. Halos araw-araw, puro PR attempts, bugbugan sa ensayo, at uphill sessions ang ginagawa ko.
Ngayon, mas natutunan ko nang alagaan ang katawan ko, lalo na nang makaranas ako ng injury. Kaproud, man!