Kinahihiligan
Noong apat na taon pa lamang ako, napansin na ng aking mga magulang na may potensyal na ako sa pag-sasayaw (kahit hindi ko maalala). Simula noon, dinala na nila ako sa isang studio kung saan may mga nagtuturo ng pagsasayaw. Makalipas ang maraming taon ng nasabak na ako sa mga competition, hindi ako makapanila na kami ang naging kampyon sa iskol (kung hindi ako nagkakamali mga walong gulang pa lamang ako noon). Hanggang ngayon ay nagsasayaw parin ako gusto ko parin makamit ang pangarap ko makatapak sa pinakamalalaking tanghalan sa pagsasayaw ang World Hip Hop Championship kung saan maraming Pilipino na ang nanalo doon. Kaya hanggang ngayon din hinahasa ko parin ang aking sarili sa pagsasayaw at balang-araw makamit ko iyon.
Isa rin sa mga kinahihiligan ko ang paglalaro ng mga computer games. Kung saan kasama na rito ang DOTA 2, Counter-Srtike Global Offensice (CS-GO). Ang mga larong ito ay nakikipag-laban sa isa’t isa upang manalo sa takdang oras. Ang magandang dulot ng mga ganitong laro ay marami kang makikilalang mga tao na pwede mo balang-araw makilala at maging kaibigan. At dahil sa panahon ngayon marami narin naglalaro nito dito sa Pilipinas, ito rin ay nagiging libangan na rin para sa aming manglalaro.
Marami akong nakuhang mabubuting dulot sa aking mga kinahihiligan at ito ay maging tapat sa iyong kagustuhan. Sa mga kahiligan ko na ito, marami akong nagiging kaibigan sa loob at labas ng eskuwelahan. At dahil sa mga kaibigan ko na iyon marami kaming nararanasan na iba sa bawat isa














