ATRAKSYON
Nagmamahalan kayo. Oo. Mahal nyo ang isat isa. Oo. Ano nga ba ang minahal mo sa kanya ? Sino nga ba ang minahal mo ? Baka minahal mo ay yung pisikal na katauhan lang at hindi yung pang loob na pagkatao nya ? Marami ngayong nag iibigan, gwapo, maganda, cute. Pero bakit pag nagmahal na ang pangit at yung minahal nya e gwapo o maganda, laging naku kuwestiyon, gaya ng "seryoso, sya ang bf/gf mo ?" Ang sakit makarinig ng ganyan. Wala na bang karapatan magmahal ngayon ang pangit ? Pero isang tanong ano ba ang minahal mo sa taong yun ? Mukha nya lang ba o yung katauhan nya talaga ? Isang atraksyong maituturing kung yung taong minamahal mo ay dahil sa maganda lamang siya. Hindi mo nakita kung ano talaga ang pagkatao ng taong inibig mo. Nakakalungkot kung isa ka sa mga taong hindi nakakaalam na walng mukha ang pag-ibig. Bakit nga ba walang mukha ang pag-ibig ? Hindi ginawa ang pag-ibig upang magustuhan mo ang itsura ng tao, ginawa ang pag-ibig para matutunan mong mahalin ang pagkataong loob ng indibidwal. Isa na siguro sa nakagawian na maging standard ang itsura pero higit na dapat mong matutunan na walang pinipiling panahon, pagkatao at mukha ang pag-ibig. Diba nga sabi nila love is blind. Huwag mong hayaang mapabilang ka sa mga taong hindi nakikita ang tunay na kahulugan ng pag-ibig. Matuto kang tumingin hind lamang sa panlabas kundi sa panloob na katauhan.











