Iskrip ng Flash Fiction naĀ āAng Pistaā
Unang Eksena:
Tagapagsalaysay: Kulimlim ang kalangitan, nabalot ng kulog at kidlat habang sumasabog ang mga bulkan na sabay-sabay. Anghel 1: Taksil ka ng Diyos! Anghel 2: Ako lamang ang pinakamakapangyarihan sa mga anghel!
Tagapagsalaysay: Itinaas nila ang kanilang sandata at lumipad ng palapit ang isaāt isa. Nagumpisa ang labanan ng dalawang anghel. Pero nagising ang karakter sa kanyang panaginip.
Bida: Panaginip lang iyon pero bakit ba parang totoo?
Tagapagsalaysay: Lumingon siya pagrinig niya ang sigaw ng mga tao.
Mga Tao: Viva SeƱor San Miguel! Viva! Viva SeƱor San Miguel! Viva!
Tagapagsalaysay: Nakapagtingin siya sa mukha ng imahe ni San Miguel at ang demonyo na nasa paa niya. Nakapagbigay ito ng bahala sa kanya.
Bida: Wala lang iyon, panaginip lamangā¦
Tagapagsalaysay: Madaling bumihis siya para sumabay sa prusisyon kasama ng kanyang mga kaibigan.
Kaibigan 1: Halika na! May handaan doon oh!
Bida: Hala, anong mga pagkain nila?
Kaibigan 2: May lechon baboy, lechong manok, spaghetti, kinilaw at iba pa! Ang daming pagkain nila, no?
Bida: Anu ba yan? Makakagutom. Tayo na, kain muna tayo.
Ikalawang Eksena:
Tagapagsalaysay: Kumain sila ng kanilang tanghalian na napupuno ng pagkain ang kanilang pinggan tapos nagvivideoke sila at kumakanta. Pagkatapos nito, pumunta sila sa Mugna para sasakay ng mga rides ng peryahan kagaya ng ferris wheel, Viking, at ng Horror Booth.
Kaibigan 2: Hali na tayo! Sakay tayo sa Viking.
Kaibigan 1: Kayo lang, hindi ko kasi kaya eh. Baka hihimatay ako diyan.
Bida: Wag ka nang matakot, tayong tatlo naman ang magsasakay.
Kaibigan 1: Sige nalang.
Tagapagsalaysay: Sumakay sila ng Viking at sila ay nakapagsaya na nakalimutan na ng bida ang kanyang pagbabahala ng kanyang panaginip.
Bida: Punta tayo sa Paseo, may sikat na banda raw doon mamaya.
Kaibigan 2:Ā Sige! Punta na tayo, baka malate nanaman tayo.
Kaibigan 1:Ā Sige!
Tagapagsalaysay: Medyo dumilim na sa pagpunta nila sa Paseo. Maraming tao ang pumupunta doon dahil may sikat na banda na nagpatugtog ng kanilang mga kanta. Nakikinig at nakisali ang bida sa kanta na pinapatugtog pero napalingon siya sa kanan niya. Bumalik ang kanyang nababahala na nararamdaman niya pagkatapos ng kanyang napanaginipan ang dalawang anghel na naglalaban. May nakita siyang isang tao na nakakatitig sa kanya habang ngumiti. Tilaāy nagging bato ang kanyang katawan at hindi din siya nakapagsalita dahil, ito ang muhka niyang nakita. Ito ang mukha ng kalaban ni San Miguel na hindi niya makakalimutan. Kahit malayo siya, maririnig niya sa kanyang isip sa kanyang pagbigkas naā¦
Lucifer: Sa wakas, nahanap din kita.














