"Kung gusto mong makuha, paghihirapan mo.." Apat na buwan na ang lumipas simula ng umalis ako sa amin.. Malungkot at mahirap pero kailangang gawin. Hindi ko nga alam kung para ba sa akin ang labang ito pero dahil siya ang nagtulak sa akin para gawin to, kailangan kong maging matatag. Matatag na di kayang tangayin ng malakas na hangin.. Medyo dismayado ako sa unang resulta, nag aral ako pero kulang pa rin. Kulang pa rin na parang sinasabi niya na kailangan ko pang dagdagan Hindi ito biro, pinasok ko ito dahil sa maraming rason na pwedeng magbago ng buhay ko. Kaya hindi rason na sumuko ako kaagad. Konting tulak pa. Konti nalang, sabi niya.. *Never give up. Great things take time. :D










