may bago na akong pangarap
magkaroon ng work na pwedeng magdala ng furbabies. para pwede na ako mag-adopt tapos hindi ko na iisipin na kailangan ko siya iwan kasi kailangan kong magtrabaho.

Origami Around
Monterey Bay Aquarium
Today's Document
Xuebing Du

#extradirty
PUT YOUR BEARD IN MY MOUTH
he wasn't even looking at me and he found me

PR's Tumblrdome
𓃗
TVSTRANGERTHINGS

@theartofmadeline
almost home
taylor price
art blog(derogatory)

Andulka
icyghini twinkie
official daine visual archive

roma★

titsay
tumblr dot com

seen from Singapore
seen from China
seen from Türkiye

seen from United States

seen from Canada

seen from United States
seen from Saudi Arabia
seen from United States
seen from Philippines
seen from United Kingdom

seen from United States
seen from Serbia

seen from United States
seen from Brazil

seen from United States
seen from Saudi Arabia
seen from United States

seen from United States

seen from Canada
seen from United States
@excerptofmythoughts
may bago na akong pangarap
magkaroon ng work na pwedeng magdala ng furbabies. para pwede na ako mag-adopt tapos hindi ko na iisipin na kailangan ko siya iwan kasi kailangan kong magtrabaho.

Anya is live and ready to show you everything. Watch her strip, dance, and perform exclusive shows just for you. Interact in real-time and make your fantasies come true.
Free to watch • No registration required • HD streaming
hi, fave
so so so sooo proud of you.
mahal kita sa sarili kong paraan.
soafer nalulungkot talaga ako kapag tingin ko hindi nagugustuhan ng mga tao kapag sinasabi ko favorite song ko.
i love that song with my whole heart 😭 i mean gets kasi not everyone’s really paying attention to lyrics that much pero… 🥺
it’s atlas:two by sleeping at last
prolly oa or too much pero kapag siguro nakakilala ako nito na sobrang gets sha the way na gets na gets ko sha kaya favorite song ko yan, magugustuhan ko agad hahahahaha
soafer nalulungkot talaga ako kapag tingin ko hindi nagugustuhan ng mga tao kapag sinasabi ko favorite song ko.
i love that song with my whole heart 😭 i mean gets kasi not everyone’s really paying attention to lyrics that much pero… 🥺
it’s atlas:two by sleeping at last
looking back during the pandemic years…
we really survived that ano? from being extra careful sa health natin, sa pakikipag laban sa karapatan ng bawat indibidwal, pagbibigay boses sa mga walang kakayahan bumoses, managing finances especially with the economy’s situation.
i.. survived.
the amount of times i dyed my hair and change its colors after every few months. made me realize na maybe it was my brain distracting me, na instead of k wording myself let’s put that energy onto my hair hahaha.
hey, you, i’m glad you’re still here.

Anya is live and ready to show you everything. Watch her strip, dance, and perform exclusive shows just for you. Interact in real-time and make your fantasies come true.
Free to watch • No registration required • HD streaming
“swirled you into all of my poems.”
hi, mahal kita
boundaries. line. end
hindi ko alam kung na-post ko na rito ‘yung tinitipa ko ngayon pero kung hindi sana habang ginagawa ko ‘to biglang may sumagi sa isip ko na ideya para maintindihan ko.
isa sa mga bagay na nag-iiwan sa akin ng palaisipan tungkol sa pagmamahal at respeto ay yung linya. when we love someone, we love them despite their flaws. kaso laging sumasagi sa isip ko, hanggang saan ang linya na ginuguhit natin para patuloy na tanggapin ang isang tao. iba-iba kasi tayo, pwedeng kaya niyang lunukin ang pagkakamali na ito pero sa iba hanggang duon na lang.
what’s fair and unfair? saan ginuguhit ang linya sa pagkakamali nang hindi sinusugal ang respeto natin sa sarili natin? sa tuwing iniisip ko ‘to tapos nagkakaroon ako ng posibleng sagot, nadadagdagan lang din ako ng panibagong tanong.
ikaw ba, paano at hanggang saan mo ginuguhit ang linya?
dalawang araw ko na napapanaginipan college crush ko hahahaha share ko lang kasi kinilig me. ate mong trentahin sa ganito tsaka sa sweldo na lang kasi ngumingiti eh.
hay… kung hindi pa kayo registered voter sana maparehistro na kayo, at utang na loob.. parang awa.. bumoto nang matalino at ng matalino. kung hindi, walang magkakagusto sa inyo ever tapos hindi na tataas sahod niyo at mananakawan pa kayo nang mas malaki pa. kaya use your vote wisely!!!
i have a friend na hindi ko na nakakausap pero kapag birthday namin lagi kami nagpapadala ng something para sa isa’t isa. medyo nalulungkot na lang din ako kapag di kami nag-uusap, kahit normal sa amin hahaha. huling usap ata namin last year tapos birthday ko pa.
since nagpaplano na ulit ako para sa birthday niya bigla ko lang ulit na-realize kung gaano ko siya kamahal. yun lang yung alam kong sigurado at malinaw sa pagkakaibigan namin.

Anya is live and ready to show you everything. Watch her strip, dance, and perform exclusive shows just for you. Interact in real-time and make your fantasies come true.
Free to watch • No registration required • HD streaming
i’m only funny when it comes to inside jokes, duon mabilis utak ko hahaha. kanina nagpakuha kami ng dugo ng kapatid ko para malaman namin blood type namin (i know soafer late, random lang namin naisipan kasi hindi pa rin namin alam 😭). iniisip ko kanina mga type ng tests, paulit-ulit utak ko sa cbc. took it before, long story short, mababa kasi dugo ko kaya stuck sa utak ko yung term din. tapos as a bangkera, may term din kami na cbc sa work.
tapos habang nasa daan kami may nadaanan kami na yero lang tas may naka-spray paint na cdc 😭 natawa ako hahaha. kasi feeling ko nakikinig Siya sa paulit-ulit na cbc sa utak ko then He decided to join. moments like this really makes me realize na He really gets me lol.
soafer cute nung napanuod ko na clip na hinihintay niya yung partner niya sa train station lagi kasi nabanggit sa kaniya once dati nalilimutan siya sunduin. her partner looked so happy, why she said in the vid na it’s the proof why showing up matters.
naiyak lang ako kasi ako nga na tapat lang ng bahay yung preschool ko nalilimutan pa sunduin hahahaha. kaya tinatawid na lang ako ng mga teacher ko dati tas sila na mag-ddoorbell para makauwi ako. naisip ko lang bigla na gustong-gusto kong yakapin yung batang ako, kunin siya tapos ako na lang magpalaki sa kaniya haha.
sobrang cruel lang talaga ng mundo at mga tao sa mga bata, dahil lang wala silang laban. hindi nila maipagtatanggol sarili nila. samantalang hindi naman sila ang pumili na mabuhay sa mundong ‘to.
i’m prolly just sad in general
pero mas extra sad kasi first day ko sa practical driving lesson ko tapos may certain parts na nahihirapan ko, kaya ngayon pati ito inooverthink ko kung para sa akin ba hahahahaha. na baka kung merong mga tao na hindi para sa driving baka isa ako duon at kung hindi man uso yon o lahat naman kinakaya after practicing baka ako yung una hahaha tangina.
tapos inoovethink ko pa na baka hindi ko makuha yung full potential ko sa pagmamaneho, tapos hindi lang sarili ko makadamay pa ako ng ibang tao sa katangahan ko. knowing na minsan kapag pwede kong ikamatay hindi ko kinakatakot.
gusto kong ikalma sarili ko pero putangina kasi hindi naman na written exam lang ‘to na alam kong kakayanin ko ipasa basta mag-aral eh, life and death experience kasi (si oa pero true diba).
*tangina tumblr down ngayon lang na-post
nakakatakot
nabasa ko yung isang post ng dati kong teacher, magaling din siya magbitaw ng mga salita gawa na dati (🥺) siyang nagsusulat. ngayon may asawa’t anak na siya. sobrang lungkot na ng mga nababasa ko mula sa kaniya, mga sakripisyo at pagtitiis na ginawa niya at ginagawa pa rin niya.
sumali siya sa trend na nag-popost ng mahabang message na sinend mo tapos isang word na walang kwenta yung reply.
may comment duon na sana raw hiwalay na sila. tapos nag-comment din siya duon na siya rin daw ganyan sa mga posts na nakikita niya na gaya ng kaniya pero kapag daw ikaw na ang nanduon ang hirap na. sang-ayon ako duon, may mga paniniwala talaga tayo madalas na kapag mararanasan na natin hindi natin agad nagagawa kasi may mga iilang bagay pa rin tayong kinokonsidera. kaya nahihirapan tayong gawin.
ito talaga ang ayokong-ayokong mangyari sa atin. oa na kung oa pero kapag naiisip ko gusto ko na agad gilitan sarili ko, pakasagasa sa malaking truck. nagmamakaawa pa ako na wag na lang akong bigyan ng partner kung darating ako sa ganitong point. yung buong buhay ko sinisigaw ko na mahalin, respetuhin, at piliin ang sarili tapos darating sa punto na ako na sisigawan tapos magbibingibingihan ako.
iba na nga yung takot ko na mapatay, magahasa, saktan parehong pisikal at sa pananalita… tapos ganito pa.
grabe ano, dati lang lumilitaw na problema kapag tapos na ligawan eh. ngayon ang tibay, hinihintay makasal at magkaroon ng anak para mas lalong hindi sila iwanan. ang lala.
favorites
who would’ve thought na ma-titrigger ‘yung pakiramdam ng hindi paborito sa maliit na bagay lang hahahaha. isa siguro ‘to sa issues na dala-dala ko pa rin, na hanggang ngayon bubog ko pa rin mula bata hanggang ngayong matanda na ako.
sobrang liit lang na bagay talaga haha. medyo mahirap i-explain ‘yung setting (siyempre maarte ayaw sabihin ‘yung work lol) pero sa gist, may initiate na ginawa ‘yung supervisor ko sa ka-work ko na sa kaniya lang ginawa na hindi na niya ginawa sa akin. something na malaking tulong na in our part. then it hit me, bumalik lahat tapos sinapul ako haha. na people really do have favorites, not necessarily na pangit trato sa’yo tapos sa kaniya maganda. mabuti siya sa lahat, maayos at magandang pakikitungo pero kita o ramdam mo talaga na may paborito.
hindi ako nainggit, nasaktan ako para sa sarili ko—sa lahat ng mga naramdaman ko dati at kung bakit sa maliit na bagay ganoon ang naramdaman at naisip ko kahit wala namang maling nangyari.
it was obvious na paborito ng mama ko dati ‘yung kapatid ko, kahit mga pinsan namin nakikita ‘yon dahil napaguusapan namin dati. kaya hanggang ngayon maliit man o malaking bagay, ‘yung sakit kung paano ko tinanggap ito dati nararamdaman ko ulit. nahuhulma lang sa mga bago at ibang sitwasyon na pwede kong maramdaman ito ulit. kaya may tendency ako na kapag naiisip ko o nararamdaman ko na ayaw sa akin, o hindi ako gusto. ako na ang kusang lumalayo, hinihiwalay ko na agad ang sarili ko para hindi na ako masaktan. dumating sa point na mas komportable ako na hindi ako gusto kasi hindi ko na kailangan matakot na baka hindi talaga ako gusto o dumating ang araw na ayaw na sa akin kasi una pa lang talagang hindi na ako gusto at mailalayo ko na agad ang sarili ko.
this is one of the reasons why i didn’t want to become a mother, hindi kasi alam ng karamihan na hindi natatapos sa komportableng kutson at busog na tiyan tatlong beses sa isang araw natatapos ang pagiging magulang. ‘yung simpleng pagkakaroon ng paborito, na hindi ka naman gumagawa ng ikababawas ng pagmamahal na pinapakita mo pero ‘yung may ginagawa kang “mas” para sa isa? hindi niyo alam na maliit na bagay at maaari pa ngang walang kwenta sa isip niyo pero namumuo ito bilang butas hanggang sa mauukit sa ibang paraan na siyang huhulma sa isang bata bilang tao. may isang beses lang na bigayan ng grades nuong high school ako, kinamusta ako tapos ang sabi sa akin ng teacher ko tawa ako nang tawa. alam kong hindi niya naman ibig sabihin na masama ‘yon, natuwa pa nga ako kasi napansin niyang masiyahin akong bata at gusto niyang malaman ng magulang ko ‘yon. pero may narinig ako sakanila na kinasakit ng puso ko. isa sa naisip kong dahilan bakit tuwing naglalakad ako, laging nakababa ang tingin ko. you finish the puzzle. mula sa paggamit sa mabigat niyong kamay, hanggang sa matutulis niyong dila. hindi lang sugat ang naiiwan, kundi marka na naglilimita.
ikaw ang unang magpupunan ng pagmamahal sa magiging anak mo, ikaw ang matuturo kung paano sila dapat mahalin para maintindihan nila kung paano sila tatanggap ng pagmamahal at kung paano rin nila ito ibibigay sa mga taong gusto rin nilang mahalin.
i probably look like a dont-have-a-kid-propaganda. pero sana, sana pag-isipan niyong mabuti. walang perpektong magulang, pero ang bawat hampas ng kamay at epekto ng salita ay kayang kontrolin. hindi kailangan aralin, kailangan lang matutunan kung ano ang makabubuti para sa magiging anak mo—hindi sa pagiging magulang mo.

Anya is live and ready to show you everything. Watch her strip, dance, and perform exclusive shows just for you. Interact in real-time and make your fantasies come true.
Free to watch • No registration required • HD streaming
for some reason kahit hindi ko alam kung anong petsa na, basta bigla na lang bibigat yung puso ko hanggang sa maiyak ako tapos maaalala ko si bella.
it’s either few days from the exact day she passed away o yung petsa mismo na iyon.
tulad ngayong araw, kaya pala mas extra yung sakit kasi ngayon ang pang limang taon na wala na siya. ang sakit sakit sakit pa rin. kasi bella, mahal ko, mahal na mahal kita. alam kong hinding-hindi na gagaan, pero alam ko rin na kung sakaling maging furmom ulit ako. kaya ko na ulit magmahal nang buo.
“i burn for you and you don't even know my name, if you asked me to i’d give up everything to be close to you.”