Kumakalam ang aking tiyan!
Alas dose ng madaling araw Tahimik, ngunit hindi payak Ang tanging nadidinig lamang ay ang tunog sa bawat pagpindot ng keyboard. Kailan kaya magiging masaya ang mga oras na ganito? Kailan kaya mapupuno ang puwang sa aking dibdib? O kaya naman, kailan maaalis ang bigat na tila isang bara? Ang daming katanungan Ngunit ang gusto ko lamang ay mapuno muli ang aking sarili. Bubusugin kita-- sa tamang panahon.















