Oo, masakit... masakit makita na masaya ka na sa piling ng iba..
Masakit isipin na ang bilis mo lang akong kalimutan at palitan..
Masakit malaman na ang bilis mo lang akong taliukaran...
Masakit ang bawat bagay at alaala na nagpapa-alala ng patungkol sayo...
Sobrang sakit.
Oo, mahirap man at sobrang masakit.. pero titiisin ko. Susubukan kong alisin na..
Kasi kailangan ko na rin alisin ang sakit ng mga araw mula sa alaala ng nakaraan na nagkaroon ng ikaw at ako..
Ang mga alaala na akala ko may tayo..
Kaya ito.. Simula bukas.
Uumpisahan ko ng kalimutan ka katulad ng paglimot mo..
Uumpisahan ko ng alisin ang alaala ng mga araw na nagkaroon ng tayo..
Kaya hanggang dito nalang.. Isusuko ko na kung ano man ang nararamdaman ko para sa’yo. Kasi ang sakit sakit na...











