Minsan Pangit Ka Forever
Habang naglalakad sa kung saan Nadapa ka Kahit di naman basa ang kalsada Naiyak ka Napahagulgol Nalusaw ang make-up mo Hindi dahil sa mga sugat Kundi dahil nakunan ka ng video Na-upload ka sa youtube Ikaw Na hindi na magiging perpekto Hindi sa mundo Ng mga estrangherong Kilalang-kilala ka na Sampu ng iyong peklat Kalat na ang totoo Pangit ka At ayos lang yon Hindi ngayon Mejo matagal pa Bago mo makita Ang ganda mo ulit Pero pag kita mo Ang ganda mo sa pangit mo Ay pantay na At ok lang… Andon ka na Sapat ka na















