A Secret That is Not Secret Anymore
(1) Personal Experience about Falling out of Love
*Please ignore kung hindi interested, personal blog. I wrote this not to impose hate on the other person.
People who fell out of love are usually misunderstood and blamed.
Well this will be subjective kasi this is my experience and others might have different perspectives about this.
Yes it is true, tunay naman sadya na we are to blame kasi we fell out of love.
But some judge us, 'Luh, how can you actually fell out of it, maybe you don't really love him' and there are instances na people will give a look dahil di nila ineexpect kung bakit ako nafall out like how they see 'cheaters' at 'hindi tunay na nagmamahal.'
And yes, naramdaman at naranasan ko na mabigyan ng tingin na parang sinasabihan ako na 'shet katulad ka pala nila'. Nagulat sila, I understand that, ang sakit lang din dahil sa isang tingin nila nung marinig nila na ako yung nafall out, alam kong najudge ako. But I know somehow that it was because sila ay laging iniiwan. They knew the other person's pain.
So I wished na sana mafall out of love na rin sila. Para they will know how I felt. Alam ko it will sound to others na wala akong karapatang masaktan kais ako yung nanakit. Pero I want those people to know na sana nga hindi na lang ako nasaktan, sana alam nila na ang hirap hindi masaktan. I wished na yung relationship na pinagdasal nila, na inalagaan nila, sila yung mafall out. So that they won't look at me that same way again.
Masakit din mafall out. Naiwan na ako dahil may iba, naiwan na ako dahil ayaw na sakin, at meron ding hindi talaga ako pinansin. I may not know every pain about being left, pero I know, it is never painless.
3 years ang relationship ko, ang daming ups and downs, madaming luha, madaming pagtitiis. I won't deny na madaming happy moments at yung trust namin sa isa't isa, sobrang ideal. Walang third party, konting selos lang, kahit san pwede gumimik basta konting update, thus I don't regret meeting him.
nung dumating ako sa point na kine question ko ang sarili ko kung okay pa ako, kung mahal ko pa sya - that's where the torture starts.
Every night, nanghihinayang ako.
Every night, nagagalit ako sa sarili ko.
Every night, sobrang nalilito ako.
Lagi ako nagi guilty kasi I had hope for us. Pinagdadasal ko lagi kay God ang relationship namin, naiyak ako kay God pag nasasaktan ako, nagku kwento ako na masaya ako at sana talaga sya na yung nilaan Nya para sa akin. So I don't really know what went wrong. So parang narealize ko na kapag sa ibang movies na sinasabi nilang hindi nila alam kung bakit nawala... Baka nga hindi nila alam. Kasi hindi ko rin alam. Ang daming rason na pwedeng yun ang dahilan, pero I can still reason out na hindi pwedeng yon lang ang dahilan kung bakit ako nafall out. Kasi may attitude at ugali akong hindi kamahal mahal, so bakit sya hindi na fall out while I did. So sobrang nakakahiya dahil alam kong ako ang may mali.
Kasi he was changing for the better. He was changing for me. I saw that. Our friends saw that. 'So bakit ang arte ko' sabi ko sa sarili ko. Bakit ako nafall out.
Lagi kong tinatanong ang sarili ko, 'Pinagdasal ko ito kay God, so bakit ako ganto.' I have told myself every reason para mapunta sa kanya ang blame para mawala yung guilt ko nang kaunti, pero no, kasi alam ko sa sarili ko na ako ang nawala. So in the end kinain ko lahat yon. Every moment maiisip ko sayang ang 3 years. Sayang yung pagtitiis ko. Sayang yung love nya.
I started asking myself about it 6 months before our break up. 6 months, I still told myself baka may pag asa pa so hindi ako bibitaw. But he knew it... He saw it. And I realized couldn't escape. Isa lang kakahantungan nito. Breakup.
So if someone says na 'bigla na lang nawala yung love ko' it is either hindi ka minahal, or nagsisinungaling sya or hindi sya aware kasi ang hirap aminin sa sarili. Dahil it takes so so much courage na aminin sa taong minahal mo at minahal ka, sa taong pinaglaanan mo ng oras at pinaglaanan ka ng oras, sa taong pinagkatiwalaan mo at pinagkatiwalaan ka na sabihing 'Hindi na kita mahal.' Sobrang nakakadrain ng utak, luha, emosyon. Sobrang sakit aminin sa sarili mo na nawala na yung love mo sa kanya. At sobrang mas masakit aminin sa kanya na wala na yung love mo habang naiiyak sya. Kaya hindi yan biglaang nawala, sobrang bagal at sakit na proseso - questioning yourself araw araw, anger at the other person, anger at yourself, denial, realization - hindi yan biglaan.
Yung tipong nasasaktan na ako nung marealize ko na wala na talaga, na lagi ko sinasabihan sarili ko na ang tanga ko... Tapos nung inamin ko at nakita yung reaksyon nya... Nakakadurog. Paulit ulit yon araw araw, mag iisip ulit ako kung bakit ko nagawa yon, sisisihin ko ang sarili ko kung bakit ako ganto.
At hindi mawawala yung nakikita ko sya non pag may klase sa school, magha hang out with barkada. Yung alam kong malungkot sya, yung alam kong tinitingnan nya ako. Hindi ko sya matingnan kasi nasaktan ko sya. Alam kong nasaktan ko sya. So I have to ignore him. Kasi ako yung makapal ang mukha.
Then sa gabi gabi non, icha chat nya ako, kung bakit nagkaganoon. Kung gano ko gusto kalimutan lahat ng sakit at guilt noon, gabi gabi nabalik sakin dahil gabi gabi ang hantong ng chat namin ay magtatanong sya sakin kung anong nangyari. So ganun ulit. Uulitin ko mga naiisip ko, uulitin ko mga rason ko na hindi sapat na dahilan kasi ako mismo hindi ko alam kung bakit nagkaganon. So ang ending, nasaktan ko na naman sya. Luhaan kami parehas ulit. Guilty ako ulit. Galit ako sa sarili ko ulit.
Iyakin akong tao. Pag malungkot ako, go iiyak ako. Pag galit ako, oo naiyak din ako. So since parehas akong malungkot at galit, ganun lang, iiyak ako lagi pag magrereply sa kanya ng mga rason. Magso sorry nang magso sorry dahil wala na akong magagawa. Wala na e. Ayaw kong magsinungaling at paasahin sya. Dahil nagbago ako. Nalaman ko kung anong gusto ko. Nalaman ko kung sino ako.
Ang sarap kalimutan, pero hindi ko kaya. Akala ko hindi rin ako makakasakit ng tao, kasi akala ko alam ko kung paano ako magmahal... Pero mahirap. Masakit.
I just feel empty. To be honest... Nagawa na lang ako ng kahit ano para di ako mag isip. Nagdo drawing, nagsusulat, nanunuod, naiistress sa thesis... Lahat basta busy ako para di ko maisip na nakasakit ako ng tao, ng taong mahal ako, ng taong best friend ako.
Ang sakit at nakakahinayang kasi hindi lang ako 'girl friend' para sa kanya. Best friend nya rin ako. To be frank, there's one time na feel ko na ako ang mundo nya. I didn't like it. He never really cared for others, just a few though, mga less than 5 people lang talaga yung pinagkakatiwalaan nya within barkada. But he was nice to others, though many he ignored. So sa kaunting taong yon ako ang nasa pinakataas, ako rin ang bumaba nang kusa. I fucking hurt him. And tangina ang sakit non sa akin. Sobrang disappointed ako sa sarili ko kasi I might change him. I might change the way he loves his person unconditionally and naturally. Ang tanga ko.
6 months na ang lumipas, masakit pa rin. Parang ang sarap na hindi na lang magmahal, pero lately naiisip ko parang ang sarap magmahal ulit... Pero pano pag nafall out ako ulit. Same process. Same dilemma. Same suffering. So parang wag na lang.
Ang hirap kasi naranasan ko na yung warmth at yung sarap pag mahal ka ng mahal mo... So ang sarap maging hopeful na sa future na ganun mararamdaman ko ulit.
Pero sobrang sakit at nakakatakot na baka mafall out of love ako ulit, na baka makasakit ako ng importanteng kaibigan at tao. So parang wag na lang maging hopeful para di ko na ulit maranasang mafall out.
So when I say na we are often misunderstood and blamed. That's both true. We are to be blamed. that's a fucking yes. We are misunderstood. Yes, because falling out of love doesn't mean we are not hurting just because we don't love that person anymore.
Ang hirap before, during, and after break up.
Parang mas madali na lang sanang maiwan kasi during and after break up lang yung suffering.
I'm not saying na walang karapatan na masaktan yung naiwan kasi alam ko na hindi madaling maiwan, na masakit maiwan. Naranasan ko na rin yan. Maybe not to the same extent of pain like others. But I did.
Sa isang relationship /na walang third party/ *based on my experience
Ang sakit din kayang mang iwan. Kasi ako, I still have to put up a strong character para hindi ako bumalik sa kanya e. Kasi if I will be swayed to stay knowing that I don't have love for him anymore, then wala talaga akong karapatang magmahal at mahalin. So kelangan ko ring tiisin yung hawakan ulit ang kamay nya para di na lang sya umiyak at masaktan... Pero I don't want to be engrossed in guilt and fake or pity love to the point na hindi lang ako yung talo, na hindi lang ako yung mawawala. Kasi mas minahal ko lang ang sarili ko this time. And I don't really think that's wrong.