Wika natin, ipaglaban.
by Jyle Sarmiento
Para sa karamihan, ang wika ay ang susi para lahat tayo ay magkaintindihan. Ito ay sistema na ginagamit natin para sa isang partikular na lugar. Ito rin ay bahagi ng pakikipagtalastasan para masabi natin ang nais nating sabihin at nararamdaman. Ang wika ang mag-uugnay at magpapaunlad ng ating bansa dahil ang wika natin ay malaya at may malawak na kahulugan. Dito natin malalaman ang isang bansa at ang kanilang pambansang wika at dahil sa paggamit ng wika dito natin mapapakita ang ating dignidad at pagmamahal sa ating sarili.
Ayon sa Komisyon sa Wikang Filipino, sila ang sumuri ng ating pambansang wika at ito ay ang Tagalog. Nung tumagal ay pinalitan din ito ng Pilipino pero nang dahil sa saligang batas ang kinikilalang pambansang wika natin ngayon ay Filipino. Bilang pambansang wika ang Filipino, dapat alam na alam na ito ng mga Pilipino kung paano gamitin at ayon sa dati nating pangulo na si Corazon Aquino na dapat gamitin ito sa kahit na anong transaksyon. Habang tumatagal, mas bumababa na ang mga iskor ng mga bata sa NAT dahil karamihan sakanila mas ginagamit ang wikang Ingles kaysa sa sarili nating wika. Hindi natin dapat sanayin ang mga bata sa wikang Ingles dahil ito ay magiging problema sa ating sistema sa pagturo ng wika sa ating bansa.
Kaya, maaaring maging problema ito kapag hinayaan nating maging unang lengwahe ang wikang Ingles kaysa sa ating sariling wika. Huwag natin tatalikuran at lagi nating iisipin na ito ang magsisilbing identidad bilang Pilipino na may sariling wika.















