“THE LAST PIECE SYNDROME”
Kapag umoorder kami ng pizza, ‘matic na unahan agad sa pagkuha in all forms. Wala ng instagram at #flatlay na ganap. Pizza yan eh. Ang target, yung pinakamalaking slice at yung may pinakamaraming toppings. Pero kahit gaano kagutom ang lahat, minsan may isang slice pa rin na natitira. “Last Piece of Shame” or “Victim of Diplomacy” daw ang tawag dun. ( Lakas makasosyal right?) Yung tipong dedmatology yung mga kasama mo dun sa huling slice na parang di nila napansin pero gustong-gusto naman nilang kainin mula sa kaibuturan ng kanilang mga bituka. Nagpapakiramdaman lang. Kase nga, kapag kinain mo yun, parang ikaw ang lalabas na pinakamatakaw at pinakapatay-gutom sa balat ng lupa. Wala naman kasing magbibilang kung ilan yung nakain mo pero palaging may magtatanong kung sino ang kumain ng huling piraso. Pero pwede din na mas iniisip lang natin na baka meron talagang mas may gustong kumain ng huling slice na ‘yon, bumubwelo at tumatiming lang. Kaya ang tendency, hihintayin mo na lang na may kumuha. Hanggang sa ang ending, walang kumain. Nanigas na ang crust pero walang pumansin.
*Kawawang huling piraso ng pizza.
Siguro habang nag-iisa siya dun sa gitna, wala siyang ibang ginawa kundi magself-pity. “Siguro dahil ako ang pinakamaliit na slice. Ako yung may pinakakonting toppings kaya walang may gustong kunin ako. Oh mundong kay lupit, bakit.” Parang ganon. Tapos sisisihin niya si VP Leni kung bakit hindi pa itinataas ang mga katulad niyang nasa laylayan. Pero ang totoo, hindi naman talaga yun ang issue. Umaarte lang yung pizza kase moment niya ‘yon.
Pero hindi alam ng tirang pizza na maraming naghahangad sa kanya. Nagparaya lang yung isa dahil alam niyang merong mas higit na gutom kesa sa kanya. Kaya lang, hindi naman din siya magawang maipaglaban dahil mas iniisip niya ang sasabihin ng mga tao sa paligid niya.
In a world full of “Kainin ninyo na yan. Nagtira pa kayo.”, be a “Huy. Akin na ‘to ha!”
Minsan, hindi kusang makikipaglaban ang isang bagay para mapunta sa’yo. Hindi aayon ang gravity at ikot ng mundo. Pero kapag gusto mo, ipaglaban mo. Kung alam mong para sa’yo kunin mo. Kasi baka sa huli masayang lang. Kaharap mo na, pinakawalan mo pa.
–
From a Patay-Gutom sa Pag-ibig’s Point-of-View













