Journal Entry #1 (May 13, 2018)
(P.S. All mistakes are mine :---) )
Following God is messy and being able to share a gist of my experience requires a chunk of courage and a heart of steel to still be sane after.
Let me tell you this straight, I was not doing well for the past week to the point that my body almost gave up on me. I didn’t have a reason to get up and live life as much as I wanted to. I didn’t have the courage to show the world the happiness that I am supposed to be feeling. I just survived the past week on a whim and I became stuck to that cycle of getting up in the morning to run errands until sleeping at night with tears in my eyes. I became sick of it. I wanted to quit. I wanted to give up.
In the middle of that week, I thought I was doing okay again. I thought I am myself again, only to hit rock bottom on the next day. It was a confusing moment. Masaya na dapat ako e. Bumalik na ang lahat sa dati ‘o pero bakit gan’on? Bakit parang hindi tama? Bakit hindi ako masaya? ‘Diba ito naman ‘yung gusto ko? Ito ‘yung hinihintay kong pagkakataon ‘o pero bakit parang may kulang pa rin? Bakit parang ubos pa rin ako? Bakit parang pagod pa rin ako? At dumami nang dumami ang mga tanong na ‘di man lang mabigyang sagot.
Even attending the Feast did not help at all. Yes, for a moment, it made me feel alive again. It made me hope again. Hearing Bro. Lanzi preach made me think that maybe I could get through this like I always do. But that was when my body gave up on me. Before the worship even started, and’un ako sa banyo, sumusuka. Ayos naman ako bago pumunta d’un pero biglang gan’un ang nangyari? Bakit? Excited pa nga ako masyado kasi recharge na naman, another chance na naman pero tinamaan pa ako ng malas. I was lucky enough that my seatmate turned out to be a servant that night. Binantayan niya ako. I did have a good time (or I think I did) but after that 3 hours of worship? Wala na naman akong naramdaman. Mas gusto kong umuwi at magpahinga pero ‘di ako nakatulog nang gabing ‘yun. Nilagnat at sumuka na naman ako pero this time, may kasamang dugo and that was the first time I felt scared for my health. Naisip ko, ano na naman ba ‘to, Lord? Akala ko ba okay na? Problema na naman ba? Ubos nag a ako ‘e, wala na nga akong mabigay pero eto na naman ba tayo?
Sa mga sumunod na araw? Walang nagbago. Mas lumala pa nga ata ‘yung pagkaubos ko ‘e. Gusto ko sanang may kausapin pero napangunahan ako nang takot na baka ‘di ako maintindihan ng mga tao. Na baka wala lang din akong makitang sagot. Takot na takot na akong umasa sa mga tao. Takot na takot na akong masaktan ulit dahil sa pag-asa ko sa mga tao.
Biyernes ng gabi, ‘dun na ako bumigay. ‘Di na kinaya ng mga mata ang mga luhang gustong bumuhos. Kinausap ko na Siya. Umiyak ako. Humingi ng tawas kasi naghanap pa ako nang iba na hindi naman talaga Niya ako iniwan ‘e. Na sa sobrang lungkot ko, nagawa kong maghanap nang kalinga sa iba kesa sa sarili kong Ama.
Cheesy man pero at the end of the day, Siya pa rin talaga ang nagtanggol sa akin. Siya lang. Oo, malungkot pa rin, confused pa rin. Pero alam ko sa kabila ng lahat nang ito, sa kabila ng mga pagsubok, may uuwian ako.







