— by: Erica Bianca Ricarte
Hindi natin dapat i-underestimate ang kakayahan ng mga babae at lalaki. Kung ano ang kaya mo ay kaya ko rin at isa ito sa mga patunay na pantay-pantay lamang tayong lahat.
Hindi dahil babae ka, hindi mo na kaya at pwedeng gawin ang mga ginagawa ng mga lalaki.
Babae ka at kaya mong magwelding.
Babae ka at kaya mong magbarbell.
Babae ka at kaya mong magmekaniko.
Babae ka at kaya mong magsundalo.
Babae ka at kaya mong umakyat ng puno ng buko.
Babae ka at kaya mong maging ama.
Maraming mga bagay ang nagagawa ng mga lalaki na talagang nakakamangha dahil bibihira lang sa kanila ang gumagawa ng gawaing pambabae.
Kaya kung sa tingin nyo ay puro panlalaki lamang ang ginagawa ng mga lalaki, nagkakamali kayo.
Lalaki siya pero hindi siya lalaki lang.
Lalaki siya at kaya niyang maglaba.
Lalaki siya at kaya niyang magmanicure.
Lalaki siya at kaya niyang manahi.
Lalaki siya at kaya niyang mamalengke.
Lalaki siya at kaya niyang maging ina.
Sana ang mga halimbawa na ito ay magsilbing eye-opener sa mga tao na naniniwalang ang gawaing pambabae ay para sa mga babae lamang at ang mga gawaing panlalaki ay para sa mga lalaki lamang.
Sana ang mga halimbawa na ito ay maging susi upang maiwasan ang pagstereotype sa mga kababaihan at kalalakihan.
Hindi lahat ng babae ay mahinhin, kaya ng mga kababaihan maging masculine katulad ng mga lalaki.
At hindi lahat ng lalaki ay matatapang at malalakas, kaya nilang umiyak at makaramdam ng emosyon katulad ng mga babae.