Mabuhay! Kahit mahirap o nawawalan ng pag asa. Nadapa ka, tumindig uli, kung di kaya, andyan naman ang iba para tulungan ka, marami pa rin mabubuting kapwa tao na tutulungan ka tumayo at bumangon ipagpag mo lang ang mga alikabok tumayo at mag bunting hinga tapos tuloy uli ika nga sa amin sa sugboanon lahos lang padayon.
Mag-enjoy habang nabubuhay, tumulong sa kapwa, lalo na sa mga nawawala ang pag-asa.
Gawin mo ang kailangan, pero huwag hayaan na diktahan ka kung ano lang ang ‘pwede’ para sa’yo.
Tanggalin mo ‘yang label. Kung ano ang nagpapasaya sa’yo gawin mo.
Gusto mong subukan lahat? Subukan mo.
Lumangoy, tumakbo, maglakad, lumipad. Mag-gitara kung trip mo, kahit sablay. Magpinta kahit hindi nila maintindihan. Gumawa ng bidyo, mag-aral ng bagong skills, try mo mag tanim, subukan mo mag aral ng basic emergecy first aid, kung gusto mo mag nurse, maging aktor, musikero, firemen and women, subukan mo o kung ano ng kaya mo gawin at nag kakainterest ka, maging volunteer sa mga grupo na matino at maayos na adboksiya, gusto mo mag negosyo try mo. Basta try lang ng try, sa buhay palaging Yes or No lang naman makukuha natin better i try para alam mo ang sagot.
At kung may pagkakataong tumulong lalo na sa mga hindi naririnig ang tinig amplify mo sila. Kung may kilala kang nawawalan ng loob, isama mo. Timbrehan mo kung may oportunidad. Magbigay ng break kung kaya mo kahit sa maliit na paraan.
Gawin mo lang lahat ng gusto mo, basta hindi ka nananakit ng iba.
Lahat tayo mamamatay rin. Kaya habang nandito pa, tuloy lang, huminga ka kung pagod ka. Tumapik sa pamilya’t kaibigan kung nawawalan ng pag asa, o kailangan ng sandalan.
Basta’t huwag mong hayaan na ang buhay mo ay palitan ng limitasyon ng iba.
Sabi nga ni Don Bosco: ‘Maglaro ka, magsaya ka—huwag ka lang magkasala.’’