Nag checheck ako sa profiles ng group of friends ko.
SM Loves Hs friends ko, Crazy Friends College friends ko, Bebes College circle friends then Pbs Friends ko sa ICA.
Bakit ko nga ba chineck yung profiles nila? Wala lang, gusto ko lang tignan kung naka featured photo rin ba sa kanila yung isa sa mga group photos namin together. Ang babaw ba? Pero for me ang sweet kasi nun kung ilagay nila group photo nyo diba?
SM 5 kami sa groupo and 4 out of 5 syempre kasama ako. Yung may featured photo namin as group profile nila. Masaya ako kasi yung isa sa 4 na yun yung I consider as my bff e may may group photo kami sa profile nya.
Crazy friends 7 kami sa grupo and 1 out of 7 lang yung meron. Sad to say isa hindi ako to. Actually dati kasama sila sa featured photo ko, kaso nung 1st time ko nag check ako lang yung meron so na dismaya ako kaya tinanggal ko. Pero ngayon si Kate lang meron and ang unexpected...
Bebes 3 kami sa grupo and 2 out of 3 yung meron syempre kasama ako. Ok na ko dun kasi yung isa na may featured photo na yun is yung I consider as my bff kaya keri na rin.
Pbs 12 kami sa grupo and 1 out of 12 yung may photo and proud to say na ako yun. Well I just realized na need ko na yun na tanggalin kasi wala lang. Alangan naman ako naka featured sila tapos sa profiles nila wala yung group photo namin.
Gusto ko lang naman i share yung nasasa loob ko and time to remove 1 featured photo sa aking profile. Hahaha