Grabe, umabot ako sa puntong umiiyak ako kay Lord kasi ayoko ng buhay ko as the eldest daughter.
Please don't get me wrong, I did my best. I gave everything I can.
Nakiusap ako sa magulang ko na baka pwede na imbes na magpadala ako sa kanila, iipunin ko muna yung padala ko para kapag naka-20k, baka payagan kami ng developer ng bahay na iinstallment yung amount na kailangan para hindi maforeclose yung bahay kasi hindi nahulugan ng parents ko ng ilang taon.
Alam naman nila yun pero hindi pa rin nila mapigilan na manghingi lalo na kapag kinukulang sila. Na naiintindihan ko naman at nagbibigay naman ako sa abot ng makakaya ko.
Kahit na may usapan na kami, nagpapabili pa rin sila ng mga kailangan nila lalo na for their health, na okay lang kasi nga para sa kalusugan.
Pero yung manipulahin ako para mapwersa na magpadala? Grabe ang tulala ko talaga.
Paano nyo nagagawa sa akin 'to? Nakiusap ako na tulungan nyo ako para matulungan ko kayo, pero bakit? Bakit kailangan nyo akong manipulahin para makuha yung gusto ninyo? Hindi ba kayo nakakaintindi? Pera na lang ba talaga ang tingin nyo sa akin?
Tangina. Mula nung magtrabaho ako, kahit nawalan ako ng trabaho, hindi ako pumalya magbigay kada akinse at katapusan. Ngayon lang ako nakiusap, lolokohin pa talaga ako? What the fuck.