Lumaki ako ng magisa Malayo sa pamilya Malayo sa kalinga ng isang ina O sa paggabay ng isang ama Dagdag mo pa na ako'y anak na nagiisa Lumaki ako ng magisa. Nasanay ako na walang mapagsabihan ng problema. Nasanay ako na kinikimkim lahat ng galit, pighati at saya sa aking damdamin. Nasanay akong ipakita sa lahat ng tao na hindi ako mahina. Nasanay akong mag-isa. Ngayon magisa nanaman ulit ako. Tumatanda na ako, pero magisa parin ako. Ito nga ba ang tadhana ko? O masyado ko lang isinasara ang pinto ng buhay ko sa ibang tao? Dahil sanay akong magisa. Hindi ako sanay ng may kasabay kumain. Hindi ako sanay ng may kakwentuhan bago matulog sa gabi. Hindi ako sanay na may kasamang lumabas para bumili. Hindi ako sanay ng may kasama. Dahil lahat ng nakasama ko noon ay sinaktan lang ako. Lahat ng inakala kong kaibigan ko noon ay pinagtawanan at pinaglaruan lang din ako. Kaya ngayon, dala dala ko ang takot sa dibdib ko. Na baka iwan at saktan din ako ng mga tinuturing kong kapatid ko. Sanay akong magisa kaya tinulak ko sila palayo. Nilunod ko ang sarili ko sa palaisipang kawawa ako. Nilunod ko ang sarili ko sa palaisipang magisa lang talaga ako Na kahit kailan ay ganto nalang talaga ang tadhana ko. Sanay akong magisa kaya pakiramdam ko wala akong kwenta sa ibang tao. Pinaniwala ko ang sarili ko, na walang halaga ang isang tulad ko. Pinaniwala ko ang sarili ko na wala akong kwentang tao Kaya ngayon, nagiisa ako. Magisang naglalakad pauwi Magisang nakaupo sa klase Magisang umiiyak sa gabi Magisang natatakot sa dilim Sana ay hatakin nyo ako sa ilaw. Sa liwanag, dalhin nyo ako. Dahil natatakot ako na baka isang araw puro kadiliman nalang ang makita ko. Na baka isang araw, magising nalang ako sa lugar na di ko kabisado. Nasanay akong magisa Pero dumating kayo Nasanay akong magisa Ngunit nandyan pala kayo Nasanay akong magisa Kaya ko kayo nasaktan Nasanay akong magisa Kaya sana, mabigay nyo pa sakin ang kapatawaran. Nasanay akong magisa Kaya pasensya na. 10.29.16 2:45 AM












