Minsan, ang love, parang pagwi-window shopping. Makikita mo yung gusto mong damit o sapatos. Titingnan mo ng malapitan. Bawat sides, inaalam mo. Bawat kulay o uri ng tela na ginamit, inaalam mo. Tapos susukatin mo. Bagay na bagay sa βyo. Mapapangiti ka kasi naramdaman mo ulit yung saya ng may isang bagay na gusto mo, bumagay sa βyo. Tititig ka sa salamin. Ngingiti pero bahagyang mawawala ang kurba sa mga labi mo dahil mare-realize mo, wala kang pambili. Nagwi-windowshop ka lang. Parang pangarap lang na magkaroon ka noon. Imposible kasi hindi mo naman afford yung presyo ng bagay na gusto mo. At ang mas masakit pa roon, paulit-ulit mong sinasanay ang sarili mo sa isang bagay na walang kasiguraduhan, sa isang bagay na hindi naman talaga mapapasa βyo. Wala lang. Kasi naniniwala ka na kahit sa ilang sandali lang, napasaya ka ng idea na may perfect clothes, perfect shoes, perfect love na para sa βyo. Kahit saglit lang, sumaya ka. Tapos back to normal na ulit ang buhay mo. Uuwi ng bahay. Aasa na magkaroon ka rin ng masayang pag-ibig. Hihiga sa kama at itutulog na lang ang lahat.Β