Hindi ko ipinagdadamot ang aking pagkapaso. Kung ang iyong pagngiti ay dumarating lamang matapos akong maging uling, marahil abo nga ang katutubong wika ng pagsinta.
Hindi ako tumututol sa kapiranggot na biyaya; sanay akong mamulot ng mga nalalaglag mula sa iyong mga palad
Ngunit may isang tanong na hindi matangay ng hangin— kailan pa naging panata ng pag-ibig ang manatiling nasusunog upang paniwalaan?
Sapagkat habang lalo mong isinasabuhay ang panahon ng yelo, lalo namang sumisiklab ang aking dibdib.
At marahil, hindi ang apoy ang dapat kong katakutan— kundi ang tuwang natutuhan kong damhin sa tuwing ako'y natutupok alang-alang sa iyo.










