This is an open letter to my dumbass of a father
Gusto pa sana kita itext o iPM pero knowing you di mo naman babasahin yun at iintindihin kasi wala ka namang ibang iniisip kundi sarili mo at mga kapatid mo
Pero this is me still writing to you through here para lang may malabas ako kasi ang dami dami dami kong gustong sabihin sayo
The reason why you left was all you. Di ka namin pinaalis o pinalayas. Ikaw lang lahat nag desisyon nun. And living with your presence all these years, di mo kami masisisi bakit di ka na namin pinigilan. Kaya wag mong ipilit yang ultimatum mo kay mama kasi mama has been happy these past few months mula nung umalis ka. Nagagawa niya lahat ng gusto niya ng walang restrictions from you at iba talaga ang glow ng may peace of mind
Ginusto mo yang desisyon mo, panindigan mo
As a father, responsibility mo si mama at kami na mga anak mo. Pero simula ng umalis ka, tinanggal mo yang responsibility na yan. Financially na nga lang kami umaasa sayo tinanggal mo pa, lalo kaming nawalan ng dahilan para kumapit sayo
Di ka ba nahiya kay JK? Siya sumalo sa responsibilidad na dapat sayo. Sorry kung di man ganun kalaki sahod ko para maasahan pero sabi nga ni mama di responsibilidad ng mga anak ang magulang nila. Pero ano yang mindset mo? Sige kahit si mama nalang sana, wag na kami ni JK, pero ewan ko ba. Di sapat yung iniwan mong SSS monthly pension.
All these years never ka namin nirestrict sa pagsusugal mo kasi based on your own words pera mo naman at may karapatan ka. Pero di mo ba naisip lahat ng utang na iniiwan mo kay mama noon para lang may pang casino ka? On top of that, di pa ni mama matanggihan mga kapatid mo pag may mga pangangailangan sila financially
Maliit pa ako nakita at naramdaman ko na di talaga kami ang priority mo. And that's ok with me, di mo ako nakitang nagbulakbol o may bisyo. Inayos ko ang pag aaral ko at thankfully naka graduate at nakapasa naman ako ng boards, of which sabi mo proud ka sakin pero di ko yun ramdam, never kong naramdaman na proud ka kahit mula noong high school pa. Then sabi ko sa sarili ko once magkatrabaho ako na may malaking sahod, di na ako aasa sa pera mo
Pero sadly, as a healthcare worker sa pilipinas, di ganun kalaki ang sinasahod ko. And i know alam mo yun, pero wala pa akong 1yr sa trabaho ko gusto mo na ako mag moveout. Ano tayo nakatira sa america? Kinakaya ko naman ang pagcocommute. At saan ako kukuha ng ipambabayad ko ng renta?
Kaya naging agreement natin na tutulungan mo ako sa rent, pero pucha sobrang ramdam kong labag sa loob mo kasi akala mo mababawasan ka na ng financial responsibility kasi napagraduate mo na ako at madadagdag na sana sa bisyo mo o sa mga kapatid mo, pero sorry ah nag anak ka kasi e
Pero bilang isang mapride na tao (mana sayo e), after 1 yr or 2 ata nag sabi na ako na wag mo na ako tulungan, na kakayanin ko na mag budget ng lahat ng bills ko. Inggit na inggit ako nun kina Ate Gia at Kate, kasi yung mga tatay nila tumutulong parin financially kasi di talaga kaya ng sahod namin yung pinambabayad sa renta plus other bills and grocery. Nakakagala sila, nakakabili ng mga gusto nila, nakakakain sa masarap. Di naman ako nakikisabay kasi alam ko naman kung ano lang ung financial capacity ko kaya kapag may gusto ako pinag iipunan ko tlga. Sa mga ganung sitwasyon nalang ako nakakaipon, pero sa emergency funds o para sa future, gustuhin ko man (nakakaumpisa pero di natutuloy), di talaga kaya kasi hanggang ngayon im living paycheck to paycheck
Since nagrerent naman na din ako for ilang yrs, nagbigay sakin ng idea si Che na mag rent to own nalang kami ng condo para may investement kami at masabi ko na kahit papano may naipundar ako. Di ko na sinabi yun sayo at di ko na hiningi ang opinyon mo kasi again knowing you mag ooppose ka lang kahit di naman ako hihingi ng pambayad sayo
Actually karamihan sa mga desisyon ko o sa mga gala ko never ko pinaalam sayo, magugulat ka nalang pag nakwento ko na. Kasi everytime na magpapaalam ako or hihingi ako ng input from you basta pera ang involved mabilis pa sa alas kwatro ang pag tanggi mo na may kasama pang side comment na baka kung ano sabihin ng mga kapatid mo. Bakit? Sila ba nagpalaki/nagpakain/nagpaaral sakin? Bakit importante opinyon nila? Na lalo lang nagpatunay sakin na di talaga kami ang priority mo
Pero dahil pinalaki ako ni mama, andun parin yung hope na eventually mag iba ang ihip ng hangin, kasi di din nman tumigil ng pagdadasal si mama para sayo. Pero ewan ko ba, sobrang lakas siguro ng demonyo mo kasi hanggang ngayon ganyan ka parin
Bago mag pandemic, naisip mo na mag retire. Inencourage ka naman namin kasi tapos naman na kami ni JK at parehas na kami may trabaho. Then nag retire ka na nga at may natanggap kang provident fund. Malaki laki yun, di mo naman siguro mauubos lahat yun so naisip ko na humingi ulit ng tulong sayo kasi nagbabalak na ako nun mag resign at ipursue ang Canada dreams ko. Ako lang din siguro talaga tong tanga na umasa parin at nag expect, pero as usual tinanggihan mo ako. Tapos inaway mo pa ako at binalak mo pa ako saktan, for what? Dahil lang sa pera? Mygahd, by this time nawala na talaga ng tuluyan ang amor ko sayo. Sabi ni mama dapat parin daw kita respetuhin pero bahala nalang magkasala ako kay Lord, di ka na worth it galangin
Umuuwi nalang ako tuwing rest days para kay Mama at JK pero kung papapiliin talaga ako di na ako uuwi kasi ayaw na kita makita, ayaw ko na maramdaman presensya mo
Then nangyari ang pandemic. For almost 30+ yrs ng marriage niyo ni mama, eto ang 1st time na halos everyday kayo magkasama. Kasi maliban sa lagi kang sumasakay, tuwing uwi mo wala ka naman palagi sa bahay kasi kinakaya mong magstay sa casino ng ilang araw. Kung uuwi ka man, para lang maligo at humingi ng dagdag na pang sugal kasi natalo ka na
Grabe yung worry ko kasi kahit nasa taguig lang ako di naman ako makauwi. Kaya di ako nagkulang ng paalala sa inyo na mag ingat kayo at ilessen ang paglalabas. Pero dahil wala kang alam sa pamamalengke o kahit sa basic na gawaing pambahay, nasanay kang inaalagaan ni mama. Of which sabi naman ni mama is trabaho niya daw talaga bilang asawa mo. Everytime na lalabas si mama sa pamamalengke, andun yung possible risk ng exposure niya. Pero ginagawa niya parin kaysa magutom kayo. Tapos nag initiate kang mag laba. Take note, initiate. Di yan inutos sayo, di ka nirequire pero ginawa mo. Pero bakit everytime na minemention mo e parang inaalipin ka dahil ginawa kang labandero? Mygahd, masyado ng makaluma ang pag iisip mo. Sa panahon ngayon di lang babae ang required na marunong sa gawaing bahay. Kadiri yang misogynistic mindset mo
At sa halos 2 yrs na yun di mo man lang naisip pasalamatan si mama dahil kahit papano nasurvive niyo yung height ng pandemic na buhay at maayos ang kalusugan? O kahit kay JK kasi after mo mag retire at wala ka ng income, siya ang sumalo sa finances since 2020? Pero again, kasalanan ko na naman siguro na nag expect ako kasi as usual wala kang pakialam maliban sa sarili mo
Kinailangan ni JK operahan at kinailangan ng pera, ikaw ang nag suggest sa doctor kasi kakilala daw nila Ante Kima at pwede makahingi ng discount. Pero nung araw na ng pag discharge kay JK, di kami makauwi kasi kulang yung pera. Di natuloy yung discount na sinabi mo. So sabi namin try mong tawagan si Ante at baka sakaling matulungan tayo. Then ang sagot lang nila sayo, di sila makatawag sa doctor kasi walang load. Tang ina. Sa mga panahon na kailangan nila ng pera mo, walang pagdadalawang isip si mama sa pagpadala. Pero ngayon na pakiusap lang ang hinihiling natin sa kanila, makapag load di man lang magawa. Tamah vha yern ses? Grabe din yung stress at anxiety ko sa operasyon na yan, pero ayoko na balikan kasi di siya magandang memorya
So akala ko na baka eto na yung turning point mo. Baka this time kami na ang piliin mo. Well i thought wrong hahaha di ata talaga uso sayo ang character development at kahit anong misdeed pa ang gawin sayo ng mga kapatid mo, after ilang days lilipas din at bati bati na ulit kayo. Waw! Sana all!
Then may pera ka ulit na dumating, una is yung galing kina Unc Bebet then pangalawa yung sa settlement mo na nilaban mo para makuha. Pinag usapan natin kung ano gagawin sa pera, pero majority sa decisions ikaw parin ang nasunod. Di ka open for suggestions. Sana pala di mo nalang kami kinausap in the 1st place kung ganun lang din naman. Pero sino ba naman kami, pera mo yan. In the end, kami ang nag adjust para ka lang masunod. Ay, may isa palang suggestion ang nakalusot, isa lang
Ngayon sinasabihan mo kami na mag move on? Excuse me, mula nung umalis ka move on na move on na kami. Baka ikaw yung hindi kasi pinipilit mo si mama na umuwi at samahan ka sa Lawis. Uulitin ko, choice mo yung pag uwi diyan, kaya wag kang mang damay ng iba sa desisyon na ikaw naman ang gumawa
Nasayo na nga majority sa pera mo pati ba naman si mama kukunin mo? Dahill ba ngayon na wala ng nag aalaga sayo kaya nakikita mo na yung benefits na kasama si mama? Ulol ka ba? May pera ka naman, maghanap ka ng maid o andyan naman mga kapatid mo, mag paalaga ka sa kanila. I will never let mama live with you again, over my dead body. Tandaan mo, mamatay ka mag isa, itaga mo yan sa bato
Kung maisipan mo mang umuwi ng cavite at ibenta yung mga property under sa name mo, goooo. I dont care. Sakin na titira si mama sa condo, pwede naman kaming 2 dun. Pero if kukuha kami ng lawyer para iclaim yung rights namin tandaan mo matatalo ka. Madami kaming resibo at possible witnesses. Gagawin ko lahat ng paraan para wala kang makuha at walang matira sayo, gusto mo ba yun?
Kaya kung ako sayo, wag ka na manggulo. Andyan ka na, andito kami. Ituloy nalang natin tong pagkanya kanya natin
Let us live in peace. And we'll let you live yours
Gusto ko lang din malaman mo na ikaw ang main reason bakit ayaw ko na mag asawa. Ayaw kong irisk makakilala ng lalaking tulad mo. Masyado na akong at peace sa sarili ko at ayaw kong idisrupt yun. Oo maldita ako, mataray, matapang in my own way. Pero wala ako nung strength na meron si mama kasi nagawa niyang mag stay sa marriage niyo at natiis ka ng ganun katagal. Wala akong ganung kahabang patience, baka makulong pa ako ng wala sa oras
So ayerrrrrn. Peace out, bitch!

















